CHAPTER 20
( Illusion )
Subra kong nadi disappoint sa sarili ko, I'm not like this before! Hindi ko alam kung ano ang nangyari bakit ganto yung katawan ko pagdating sa boss ko. Simula nung makuha niya ang buong pagkatao ko, hindi na siya magawang tanggihan ng katawan ko and I hated this so much. I don't know how to stop this foolishness of mine.
Kung ano ano nalang ang pumapasok sa utak ko habang naka upo lang sa may bathtub ko.
Sa subrang sarap sa feeling at refreshing ng tubig ay humiga na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Napagod nalang din ako sa subrang pag iisip.
( THIRD PERSON's POV )
"Sha.. sha! sha!" boses ng isang babae sa labas ng banyo. Dahil sa paulit ulit na pag tawag sa pangalan niya ay unti unting nagising sa pagkaka tulog si Krisha sa kanyang bathtub. "Sha.. sha.. sha lumabas kana jan!!" sigaw muli ng isang babae sa labas ng cr.
"Sam? -- Sam ikaw ba yan?" puno ng excitement at tuwa ang puso ni Krisha. Dali dali siyang bumangon at nag suot ng kanyang bathrobe saka lumabas na ng banyo.
"Samantha?" aniya pagka bukas ng pinto.
"Hi sha, I missed you!" malawak na ngiti ang ibinungad ni Sam sabay niyakap si krisha.
They both started to cry at napa talon talon dahil sa labis labis na tuwa na naramdaman ng mag kaibigan.
"Sam, what's that?" di maiwasang mag tanong ni Krisha nang makita ang napaka daming pagkain sa lamesa. "Ohw, sorry hindi ko nasabi agad. I ordered this kasi.. alam mo na.. " sagot ni Sam habang pinipigilan ang pagtulo ng sipon niya at pilit tumatawa.
"Tara, let's eat na!" inaya niya na agad si Krisha para kainin ang napaka dami at masasarap na pagkaing nasa table niya sa may sala. "Shocksss, grabi ang sarap!!" kumento ni Krisha kahit puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. "O diba, sabi sayo e!" pag yayabang naman ni Sam. Napaka lawak ng mga ngiti ni Krisha habang enjoy na enjoy sa pagkain.
Kumuha siya ng isang slice ng pizza at susubuan itong kaibigan niyang si Sam - "Here you go Sa --- " naputol na boses ni Krisha, agad din na napawi ang tuwa sa mukha niya. "Sam.. sam! sam asan ka?" palingon lingon at mabilis na bumakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
Wala siya ngayong nakikitang sam sa harap niya, parang isang kurap niya lang ay naglaho itong bigla. "Sam!!" sigaw ni Krisha habang mabilis na bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
"Sam where are you!!" pag hikbi niya nang mapag tanto na wala nga talaga siyang kasama. Mas lalo pa siyang humagulhol habang nakatitig sa mga pagkain at sa hawak hawak niyang pizza. Everyting was just an illusion, mula pag labas niya ng banyo hanggang sa mga oras na ito.
"I missed you sam!" tanging nasambit niya habang pilit kinakain ang pizza na hawak niya. Unti unti niyang tinatanggap na guni guni niya lang ang lahat, marahil ay sa labis na konsensya niya sa nangyari sa mga kaibigan niya, kaya siya nagkaka ganito.
After a few hours na pag mumokmok ni Krisha, biglang tumunog ang naka charge na cellphone niya. Nang makita ang tumatawag ay mabilis niya itong sinagot - "Hi ric-- !"
"Hello Sha pumuta ka agad ngayon dito!" mabilis na sagot sa kabilang linya. Nang marinig ang impormasyon ay nag madali siyang mag bihis at mabilisang ayos saka umalis agad ng apartment niya. She felt a little bit nervous and excited at the same time.
"Rico! kamusta sila?" hinihingal na bungad agad ni Krisha, pagka dating niya mismo sa ospital.
"Bakit ngayon ka lang, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ng kanyang kaibigan na si Rico.
"I'm sorry! subrang traffic kasi e, sana pala nag motor nalang ako papunta dito." paliwanag ni Krisha kahit kinakapos pa siya sa pag hinga.
"Bakit hinihingal ka?" di maiwasang mag tanong ni Rico.
"Ah kasi, pagka baba ko mismo sa may parking tinakbo ko papunta dito e." tugon niya rito.
"May elevator yata?" ani Rico. "Hindi ako nag elevator, sa hagdan na ko dumaan puno na sa elevator e.. teka nga ba't andami mo namang tanong tara na kasi!!" iritang mukha ni Krisha at mabilis na silang nag tungo sa kinaruruunan ng kanilang kabigan.
Pagka bukas lang ng pinto ay agad napa lingon ang walang lakas na si Sam. Madaming naka dikit at naka balot sa kanyang katawan, lalong lalo na sa kanyang ulo, maging sa leeg ay may nagsisilbing panangga kaya't hindi niya maigalaw masyado ang kanyang ulo. Meron ding balot ang kanyang injury sa buo niyang braso ganon din sa kanyang mga paa.
Kaparehas din halos lahat ng ito sa nasa tabi niyang higaan na si Laurence. Siya kasi ang nag mamaneho kaya't mas napuruhan ang nasa tabi niyang upuan na si Sam. Malayang naigagalaw ni rence ang kanyang ulo kasalungat ng kay Sam.
Habang tinititigan ni Krisha ang lahat ng ito ay hindi niya napigilang maiyak sa kalagayan ng dalawang matalik niyang kaibigan. Nag alinlangan pa siyang lumapit agad sa mga ito, dala ng kanyang awa at konsensya. Muli ay umiral ang paninisi niya sa kanyang sarili.
"Hi sha!" mahinang sambit ni Sam at pilit na ngumingiti para ipakita ang kanyang kasiyahan na makitang muli ang kanyang bestfriend ganun din kay Rico. Napa hikbi naman itong si Krisha.
"What are doing there? tatayo ka nalang jan at tititigan mo nalang ba kami?" wika nanan ni Laurence sa kabilang kama. Sabay nalang silang napatawa habang umiiyak din. "UHUHU, I miss you guys!" ani Krisha nung maka lapit na siya at niyakap si Sam habang si Rico naman ay umupo sa tabi ni Laurence.
"So ano, siya lang? ako wala bang yakap jan?" pag papaawa ni Rence.
"Baliw ka talaga! syempre naman hindi pwedi na wala." pag bibiro niya saka nilapitan na din si Laurence ngunit hinawakan lang niya lang kamay ni Rence at tinapik sa braso. "Aww! ang sakit ha!" reklamo ni Rence.
"Ano Rico, tameme lang ganun?" napataas na kilay ni Sam, dahil naka tingin lang itong si Rico at wala manlang lumalabas sa na salita sa kanyang bibig.
"Hmmm, no need to say na. Alam niyo naman na yun e, as always!" depensa naman nito.
"Asusss, nambola pa e! hindi ka naman kasi talaga nakaka ramdam ng pagka miss!" pag kuntra agad ni Sam. Tumawa nalang silang apat at masaya na mag kita kita ulit kahit ilang araw palang naman ang nakaka lipas.
"By the way Sam and Rence, I just want to say that I'm really really sorry! I apologize from the button of my heart." seryusong wika ni Krisha.
"Sorry for what?" nag tatakang boses ni Laurence.
"Oo nga, bakit ka nag sosorry?" tanong din ni Sam.
"Kasi, nangyari tu sa inyo!" naka yukong sagot ni Krisha. "Sha, aksidente nga diba?" pag tutol ni Sam.
"Kahit na, ako padin ang naging dahilan. Kung hindi ko naman kayo pina punta ng ganoong oras hindi naman kayo ma aksident--- " hindi natapos na salita niya. "Ano ka ba, hindi mo naman ginusto mangyari tu, walang may gusto nito okay? kaya tama na wala kang kasalanan dito tandaan mo!" paliwanag ni Laurence para tumigil na si Krisha sa mga iniisip niya.
Hindi na nakapag salita muli si Krisha dahil paulit ulit lang siyang binabara ng mga kaibigan niya.
Niyakap na lamang nila ang isa't isa Saka nag patuloy sa kwentuhan. Si Rico naman ay nag presenta na bibili sa labas ng kanilang makakakain.
Makalipas ang ilang oras ay nag volunteer si Krisha na mag bantay sa kanila sa ospital.
"Ako na muna mag babantay sa inyo dito!" aniya.
"No, you don't have to! andito mamaya sina mama at papa sila mag babantay sakin dito.
"Ako din Sha, andito si nanay mamaya. At saka diba may pasok kapa sa work mo, huwag mo na sayangin oras mo dito okay!" paliwanag din ni Sam.