Chapter1

1492 Words
Shaira. Abala ako sa paggawa ng thesis ko ng biglang may narinig akong katok sa pinto. Ako nga pala si Shaira Celestino,twenty years old,at kasalukuyang gumagawa ng thesis ko para sa kurso kong Bachelor of Education. .Malapit na ang deadline nito kaya puspusan na ang paggawa ko,gusto ko ng makatapos ng sa ganon makahanap na din ako ng matinong trabaho. Wala pa naman si Manang para mautusang magbukas ng pinto. Hay,napahinga na lang ako ng malalim bago pumunta sa pinto ng apartment na tinitirhan namin. Nang buksan ko ang pinto,hindi ako makapaniwala sa nakita ko,Si Ethan Wade isa sa sikat na bachelor sa buong bansa na matagal ko ng hinahangaan. He was just 28 years old pero grabe na yong mga achievement niya.. Siya ang may-ari ng sikat na sikat na Wade Lingerie,na patok sa mga kababaihan,meron din siyang Wade Fashion Clothing at marami pang iba. Palagi ko siyang sinubaybayan sa mga business magazines. Shit,bigla akong kinabahan,pero hindi niya kailangang mapansin pa na nanginginig na ang kamay ko. "Sinong hinahanap nila?"magalang na tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Na mas lalong nagpatalon sa puso ko. Hay bakit kailangan niyang maging ganito kagwapo. "Andiyan ba si Sheenna?" Sheenna? As in si Ate? Magkakilala sila ni Ate? Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa doorknob paano nanghihina na kasi talaga ako. "W-wala si Ate dito."s**t,nagstammer na sagot ko. Bat kailangan pang magstammer. "Ganon ba? Pakisabi na lang dumaan ako."matikas na sagot nito. "Huh? Bakit sino ka po ba?"kailangan kung umarte na hindi siya kilala. " Im Ethan Wade,boyfriend ako ng Ate mo." Boyfriend ako ng ate mo!parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. As in,boyfriend siya ni Ate? Pero bakit wala man lang nababanggit sa akin si Ate. Oh no,ouch.... Ang sakit. Nasira yata ang pantasya ko. I hate you na ate. Pero hindi ako nagpahalata na nabigla ako sa sinabi niya. "Sige sasabihin ko kay Ate."mahinang wika ko,pero yong totoo,parang naiiyak ako sa nalaman. Pano naman kasi yong ultimate crush ko boyfriend pala ng ate ko. "Sige."yon lang at tinalikuran na niya ako. Ang suplado niya ni hindi man lang niya tinanong name ko. Aray!Aray nako! Kaysakit naman ng nalaman ko. Bakit? Alam naman ni Ate na crush ko si Ethan yon pala boyfriend na niya. Ai ang daya niya. Ang daya talaga. Halos maiyak na ako sa inis dahil sa nalaman tuloy nawalan ako ng ganang ipagpatuloy ang ginagawa ko. Shit! Hindi pwedeng mangyari to. Bakit nangyayari to. I need to know the thruth. Kailangan kung makausap si Ate hindi ako papayag na maglilihim siya sa akin ng tungkol kay Ethan. No way! Ang sakit. ..... Sheenna. Ano bang nakain ni Ethan at pumunta pa talaga siya sa apartment na tinutuluyan ng kapatid ko. Alam naman niyang di ako umuuwi doon. I told him many times magkikita lang kami some other place ayaw kung malaman ni Shaira na may relasyon kami ng lalaking pinagpapantasyahan niya. Grrrr ka talaga Ethan ang tigas talaga ng ulo mo. "O bat nakasimangot ka?" Ang lapad ng ngisi ng loko. "Diba sinabi ko na sayo wag na wag kang pupunta sa apartment ko."naiinis na wika ko. "Look Im sorry Shen,namiss lang talaga kasi kita eh." "Ewan ko sayo. Kung namiss mo ako you know where to find me naman not in my apartment alam mo naman may sarili akong condo. Ang kapatid ko nakatira doon,"nanggigil na ako dala ng matinding inis. Ano na naman kayang plano nito! "Look I'm sorry Sheenna,di na mauulit promise." "Siguraduhin mo lang Ethan kung hindi iiwanan talaga kita," Pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay yong sinusuway ang gusto ko. Gusto ko ako lagi ang nasusunod. Tapos! "Oo na di na mauulit! Wag ka ng magalit please" "Fine basta sundin mo lang lahat ng gusto ko at ok tayo,"mataray na wika ko. "Fine ikaw ang masusunod." Napangiti na ako sa kanya saka mahigpit ko siyang niyakap. Ewan kung anong nakita sa akin ni Ethan at sinusunod nito lahat ng gusto ko. "Let's go to your place pagod ako sa katatapos ko lang na pictorial."malanding wika ko sa kanya na ikinaliwanag naman ng mukha nito! "Sure"mabilis naman na sagot niya. Alam na this... Kahit kailan talaga ang libog ni Ethan. Shaira. Nasaan na kaya si Ate two days na siyang di umuuwi ah,grabe na talaga siya. Pinapababayaan na niya ako. Panay na ang txt at tawag ko pero wala man lang reply. Haisst out of supply na kami ni Manang.. Last niyang uwi kasi di siya nag-iwan ng pera. Where na ba you ate? Namumulubi na kami dito konti na lang alam ko iiwan na ako ni Manang dahil hindi din siya napasahod ng maayos. So kainis naman itong si Ate,boyfriend na pala niya si Ethan, Ate pakita ka na. Wala na akong allowance. Nakatulala ako sa harap ng apartment namin ng biglang may napakagarang sasakyan na huminto sa harap ko. Hindi muna ako gumalaw hinayaan ko na muna kung sino ang sakay ng sasakyan na yon. Ah si Ate pala. Haissst narinig niya yata ang pagtawag ko sa kanya. "Ate mabuti naman at napadalaw ka na!"masayang wika ko sa kanya sabay yakap sana sa kanya kaso agad siyang umiwas sa akin. " Para kang bata Shaira,wag ka ngang plastic alam ko naman ang kailangan mo sa akin."malditang wika nito. Oo yan si Ate Sheenna basura niya ako kung ituring. Kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagiging ate niya sa akin. Were not even close. " Hindi naman sa ganon ate,namiss talaga kita." "Stop talking nonsense Shaira,palagi ka na lang umaasa sa akin,siguro naman nasa tamang edad ka na para buhayin ang sarili mo. Hindi ka na bata for Christsake! Twenty ka na,"tapos inabot niya sa akin ang tatlong libong piso. Tatlong libo lang? Pano na ilang buwan nang hindi nababayaran ang apartment. "Kulang to ate,"mahinang wika ko. "Pagkasyahin mo yan Shaira,wala akong pera madalang ang project ko kaya wag ka ng dumagdag sa mga alalahanin ko. " "Pero ilang buwan na nating di nababayaran si Manang ate."parang maiiyak na wika ko. "Letse,tawagin mo siya." Pero di na pala siya kailangang tawagin dahil nasa likuran ko na siya at matamang nakikinig sa pag-uusap naming magkapatid . "Halika nga dito Manang," Lumapit naman si Manang. "Yan ang sahod mo,sige na huling sahod mo na yan,umalis ka na dito." Nang tingnan ko kung magkano ang inabot niya kay Manang,two thousand? Shit,dapat seven thousand na ang balanse ni Manang. "Kulang to Maam Sheenna."halata ang disgusto sa boses ni Manang. Sinamaan niya ng tingin si Manang. "So ayaw mong tanggapin??"Galit na wika niya kay Manang."Kung ganon akin na lang yan!"Napaatras si Manang ng marinig ang sinabi niya. Ano bang nangyayari kay Ate,mas lalo siyang naging masama ngayon! "Hoy,Shaira tandaan mo mula sa araw na ito,hindi ko na sasagutin ang mga pangangailangan mo nasa tamang edad ka na. Kaya maghanap ka ng sarili mong trabaho dahil wala ka ng maasahan sa akin. Inchendes!!"pakimbot-kimbot na itong bumalik sa magara niyang sasakyan. Naiwan naman akong tulala. Three thousand? Paano magkakasya to? Eh sa apartment pa lang kulang na kulang ito. Napatingin na lang ako kay Manang na halata din ang dissappointment sa mukha. Gusto ko ng maiyak pero paano. "I'm sorry Manang hayaan nyo maghahanap ako ng trabaho bukas na bukas din ipagpaliban ko muna ang paggawa ng thesis ko wala na din naman akong panggastos doon." Kitang-kita ko ang awa sa mukha niya. "Ok lang Shaira pero paano diba sinabihan ka ng paalisin bukas kapag di ka nakapagbayad." Tumango na lang ako. Pero anong gagawin ko? "Shaira tama na din itong pera ko para makauwi sa probinsya,pamasahe ko." Hindi man lantarang masabi ni Manang pero alam ko nagpapalam na siya. Iiwan na niya ako. Mag-isa na lang ako anong gagawin ko? Kahit mabigat sa dibdib ay tumango na lang ako sa sinabi ni Manang. "Ok lang Manang,basta kapag nagkapera na ako padadalhan agad kita. " "Mag-iingat ka dito Shaira." Napatango na lang ako. Saka nagmamadali na akong pumasok sa room ko. Ayaw kung makita ni Manang na umiiyak ako. Bakit naman ganon si Ate. Sabagay ano bang bago. Wala naman,ganon talaga siya palagi. "Shaira,!"katok ni Manang. Pinahid ko muna ang luha sa mga mata ko,bago ko binuksan ang pinto. Nabungaran ko siyang dala na niya ang maleta niya. "Aalis na ako Shaira,"paalam niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. "Paalam Manang Linda,mag-iingat po kayo." Gumanti din siya ng yakap sa akin. "Ikaw ang mag-iingat Shaira,alagaan mo ang sarili mo lalo pat mag-isa ka na lang dito.." "Opo Manang mag-iingat po ako. Sana ganon din kayo wag kayong mag-alala balang araw makakabayad din ako sa lahat ng kabutihan nyo sa akin." "Inalagaan ko na kayo mula noong maliit pa kayo ng ate nyo,wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Tuluyan na akong napaiyak. Mamimiss ko si Manang. "Salamat Manang. Salamat sa lahat." Naiyak na lang ako ng tuluyan ng lumabas ng bahay si Manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD