NASA isang bar ngayon si Axriel kasama ang dalawa nitong matalik na kaibigan. Nakapuwesto sila sa may bandang gitna kung saan nasa harapan nila mismo ang dance floor na napapaligiran ng mga mananayaw. Pasimple lamang na nakaupo si Axriel habang may hawak itong baso na naglalaman ng brandy. Wala siyang plano maglasing kaya hindi pa ganoon karami ang alak na kaniyang nainom. “Ang lalim naman yata ng iniisip mo?” pagkuha ni Vieran ng atensyon sa kaibigan sabay salin ng alak sa wala nang laman na baso niya. “E, paano naman hindi lalalim—nasa gilid na ng bangin ang kompanya niya,” pagsingit ni Kharl sabay inom ng alak at inilagay ito sa ibabaw ng lamesa. Humarap ito sa kaniya at binigyan ng payo ang kaibigan. “Dude, you need to do something. I’m quite sure that whoever did this to you—to ru

