"We've already figured out what we need to do to stop the issue, Dad," mahinahon na wika ni Axriel. Ayaw niyang pagtaasan ng boses ang ama. "Hanggang kailan ko ba maririnig galing sa 'yo ang mga salitang iyan? Ilang beses mo nang sinabi sa akin na alam n'yo na kung paano malulusutan ang problemang kinakaharap natin, pero hanggang ngayon—wala pa rin! Axriel, you need to do something about this! It's your responsibility!" mariin na wika nito dala ng galit. Nagsalubong naman ang dalawa nitong kilau bilang pagpapakita sa nararamdaman nito na labis na pagkadismaya. Bahagyang sumilay ang isang ngiting nang-aasar sa labi ni Mikael. Napakunot ng kaniyang noo si Axriel dahil sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya mawari kung bakit nagawa pa rin na ngumiti ng kaniyang kapatid sa kabila ng nangyayari s

