“HOW’s your leg, Yiesha?” punong-puno ng pag-aalala ang boses ng ina ni Axriel nang tanungin niya ito. Nasa living room ang mga ito at tanging silang dalawa lamang ni Yiesha ang taong nandoon. Nasa garden kasi at naghahanda ng mga iihawin ang tatlong lalaki na sina Axriel, Mikael at ang kanilang ana. Naiwan ang dalawang babae dahil ayaw nila na mapagod ang mga ito. “It still hurts, Mom. Kagabi, bigla na lang ito sumakit kahit hindi ko naman iginagalaw,” tugon ni Yiesha at tinignan niya ang kaniyang paa na hirap niyang igalaw. Matapos nilang kumain ng umagahan ni Axriel ay tumawag ang ina nito at sinabi na rito sila magdi-dinner. Sakto na rin upang makilala ng pormal ni Yiesha si Mikael. Alam niya naman na hindi maganda ang relasyon ng dalawa pero hindi naman ibig sabihin no’n ay hindi

