NAG-UUSAP sa isang sulok si Yiesha at ang kaibigan nitong si Griege. Parehong kumakain ang dalawa sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa kanilang mga buhay. Mabilis ang naging takbo ng panahon at si Griege ay nagtayo na lamang ng business at huminto sa kaniyang trabaho anim na taon na ang nakakaraan. “Hindi ka ba nahihirapan sa dalawa mong anak?” pagtatanong ni Greige. Ngumiti si Yiesha at uminom muna ng soft drinks bago sinago ang kaibigan. “Minsan!” natatawa niyang usal. “Kasi hindi naman biro na magkaroon ka ng dalawang anak at parehong teenager pa.” “Oo nga naman! Ako nga, isa lang anak ko pero nahihirapan pa akong pakisamahan. Nagbibinata na, e!” usal ni Greige at napailing. “Sobrang dami na ng nangyari sa nagdaang mga taon, no?” pag-iiba ni Yiesha ng usapan habang nakating

