MAUSOK na paligid at ang bawat upuan ay okupado ng mga tao. Samu’t-saring kuwentuhan ang napag-uusapan habang may masasayang ngiti sa kanilang mga labi. Nag-aya sa isang pub si Niella kasama ang kaibigan nito na si Kevin upang magliwaliw. Masyadong masakit para sa kaniya ang mga binitawang mga salita ni Axriel kaya kailangan niyang libangin ang sarili. “Kanina ka pa r’yan nakangiti habang nakatingin sa cellphone mo, anong meron?” kunot noong tanong ni Niella sa kaibigan. Umiling si Kevin na hindi man lang nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, “Nothing.” She clicked her tongue, “Talaga lang ha? Kulang na lang mapunit ‘yang labi mo sa lawak ng ngiti mo!” He chuckled. “I’m just happy!” aniya. Nagdududang tingin naman iginawad ni Niella sa kaibigan at ngumiti ito na tila’y nanunukso, “Re

