NAPANSIN ni Axriel ang minu-minutong pagbuntong hininga ni Yiesha. Hindi niya maiwasan kung bakit tila mabigat ang dinadala nito. Nilapitan niya ito at inilagay ang kaniyang palad sa noo ni Yiesha. Napaatras ng kaunti si Yiesha dahil nagulat siya sa biglang pagdating ni Axriel sa kaniyang harapan. Masyadong okupado ang kaniyang isipan kung kaya't hindi niya ito napansin na papalapit na pala sa kaniya. Kasalukuyan siyang gumagawa ng calamansi juice para kay Axriel. "Are you okay?" usal ni Axriel sa isang nag-aalalang tono habang nakakunot ang noo nito dahil sa pag-aalala. Marahan na umiling si Yiesha at ngumiti ng tipid, "I'm okay." Hindi naman nakumbinsi si Axriel sa naging tugon ni Yiesha. Nararamdaman niya na may itinatago ito sa kaniya at gusto niyang malaman kung ano iyon. "You

