TATLONG buwan na ang nakalipas, magmula no’ng siya ay nagsimulang magtrabaho sa Fashion and Design Company. Sa tatlong buwan na pagtratrabaho niya ay umani na kaagad siya ng papuri sa mga higher ups at sa kanyang mga kliyente, dahil sa kasipagan niya at pagmamahal sa kanyang trabaho.
Nasa opisina siya ngayon ng kanilang head—Analia Dela Cruz. She is a sophisticated woman at masyado siyang malambot pagdating kay Yiesha. Una pa lamang ay nagustuhan niya na si Yiesha no’ng nag-apply ito sa kompanya dahil sa educational backgrounds nito. Pero mas lalo niya pa itong nagustuhan nang makita niya kung gaano ito kasipag at kamahal ni Yiesha ang kanyang trabaho. Kung kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na e-promote si Yiesha bilang head ng Fashion Designing Team.
“Uhm, Ma’am? Ano nga po ulit iyong importante mong sasabihin sa akin?” kinakabahan ngunit nagawa pa rin ni Yiesha na hindi ipakita ito sa harapan ng kanilang head.
“Oh, right! I almost forgot. I’m sorry,” paumanhin nito sa kanya at kinuha ang isang papel na nasa harapan nito at binasa. “For the past three months, I appreciated your passion in doing your work. I reviewed all of your projects and tasks that was given to you. All I can say is, I was amazed about your performance actually,” agad naman itong tumingin sa kanya at ngumiti ng matamis. Nabigla si Yiesha ngunit ngumiti rin siya rito pabalik at nakinig sa sunod na sinabi nito. “To be honest, you gained praises from the higher ups and also to your clients. All of our clients kept asking us to have you as their designer, but we can’t let you cram by doing all the work. After all, you’re one of the company’s best designer.”
Hindi man mawari ni Yiesha kung ano ang gustong iparating ng kanilang head sa mga sinasabi nito. Pero nakakasiguro siya na nagustuhan nito ang mga performance niya sa trabaho.
“T-thank you po,” nahihiya niyang tugon rito at nginitian naman siya pabalik ng kanilang head.
“I was trying to say, you deserve the position of being the head of the designing team......You have been promoted! Congratulations, Yiesha Fuenta.”
Hindi naman lubos na makapaniwala si Yiesha dahil sa kanyang narinig. Kahit na nasa kalagitnaan pa siya ng pagkagulat, nagawa niya pa rin na umakto ng maayos kahit na kulang nalang sumabog siya sa sobrang saya.
“Thank you so much, Ma’am Analia!” nakangiti niyang saad dito. Marami pa sana siyang gustong sabihin pero parang naglaho na lang bigla ang lahat ng iyon.
“You are welcome, Yiesha. You can now go to your new office,” aniya at lumabas na siya sa kwartong iyon.
Para namang isang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang huling sinabi ng kanilang head.
‘Is this real? Am I not dreaming? Omygod!
Halos mapunit naman ang kanyang labi dahil sa malawak niyang ngiti nang maproseso niya na ang lahat ng nangyari. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa para tawagan ang kaibigan upang ipaalam ang naging promotion niya. Pero bago niya pa mapindot ang call button, may lumapit sa kanyang babae. Napatingin siya sa id nito at nalaman niya ang pangalan ng babae
‘Criza Abarro. Fashion Designing Team.’
Agad namang pumasok sa kanyang isip na baka ito ay isa sa mga member dahil siya na ngayon ang bagong head ng fashion designing team.
“Miss Ayiesha Fuenta, right?” bungad na tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya. “Yes, what I can do for you?” tanong niya rito.
“I’m Crizza Abarro. I’m part of the fashion designing team, and I was tasked to assist you to your new office,” she politely said.
Yiesha smiled at her at sinundan ito. Ibinalik niya sa bulsa niya ang kanyang cellphone at napag-isipan na mamaya niya na lang tatawagan ang kaibigan upang ipaalam ang nangyaring promotion.
Inobserbahan niya si Crizza, sa tantya niya ay bago pa lamang ito dahil ngayon niya lang ito nakita. Nang makarating sila sa buong office ng Fashion Designing Team, hindi niya naman inasahan ang pagwelcome ng mga taong nandoon sa pagdating niya.
“WELCOME TO THE FASHION DESIGNING TEAM, MISS YIESHA FUENTA!”
Halos mabingi naman si Yiesha dahil sa lakas ng pagkakasabi ng mga ito, bahagya naman siyang nagulat nang biglang pumutok sa kanyang harapan ang party poopers. Kasunod naman nito ay lumapit sa kanya ang isang staff na may dala-dalang cake na nakaukit doon ang salitang ‘Welcome to the team, Miss Yiesha’.
Hindi naman mapigilan ni Yiesha ang sayang naramdaman niya at agad na nagpasalamat sa mga ito.
“Thank you so much! I didn’t expect na magkakaroon ng ganitong suprise,” natatawa niyang wika. “I know that I’m much younger kumpara sa ibang members na nandito, but I will do my best to help and assist all of you—
“—I can’t say much right now, kasi sobrang bilis talaga ng mga pangyayari. I didn’t really expect to have a promotion and experience a welcome suprise in the same day!” natatawa niyang wika sa mga ito habang hindi niya naman maitago ang matamis niyang ngiti. Pagkatapos niyang sabihin iyon, yumuko naman siya sa harapan ng mga ito bilang pasasalamat.
Nakangiti niyang tinignan ang kanyang pangalan na nakaukit sa isang maganda at babasaging name plate. She dialled Greige’s number pero bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya agad nito.
“Yiesha Fuenta! Ano itong nabalitaan ko na promoted ka raw bilang head ng designing?! Kaloka! nabalitaan ko pa talaga mismo sa iba at hindi mismo galing sa ‘yo!”
Nailayo naman ni Yiesha ng kaunti ang kanyang cellphone mula sa kanyang tenga dahil sa lakas ng boses ng kaibigan.
“Chill, okay—“ hindi na natuloy pa ang susunod na sasabihin dapat niya nang bigla na namang nagsalita si Greige galing sa kabilang linya.
“I’m on my way! Hintayin mo ko diyan sa office mo.”
Mariin nitong saad. Napairap naman si Yiesha dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Kung makapagsabi, para namang aalis ako!” aniya sa kanyang sarili habang tinitignan ang screen ng kanyang cellphone.
Napailing na lamang siya at inayos ang iba niyang kagamitan dito sa loob ng kanyang opisina. Malawak ang buong kwarto at mayroon itong soft colors na siyang nakakarelax tignan. Ang kanyang opisina ay naiiba sa station ng kanyang mga members.
Ang designing team station ay may sariling glass door at may parang hallway ito patungong opisina ng head ng designing team.
Pagkadating ni Greige sa kompanya, agad niya siyang tumungo sa elevator at pinindot ang 4th floor kung saan naroon ang opisina ni Yiesha. Kakagaling niya lang sa isang meeting kung kaya’t wala na siyang oras pa para bilham ng regalo ang kaibigan sa naging promotion nito.
Tanging pizza at drinks lang ang bitbit niya habang patungo sa opisina ni Yiesha. Napadako naman kay Greige ang atensyon ng buong designing team, nang pumasok siya. Para bang nagulat ang mga ito sa kanyang presensya. Agad niya namang tinignan ng isang nakakamatay na tingin ang mga ito at tinaasan ng kilay, dahilan para magsi-iwas ng tingin ang mga ito at bumalik sa kanilang tina-trabaho.
‘Kamag-anak ba sila ni Marites? Mga etchosera! Hmp!’
Agad niya nang binuksan ang pinto ng opisina ni Yiesha at naabutan ang kaibigan na kakatapos lang mag-ayos ng kanyang mga gamit. Itinaas niya ang dala niyang pizza at drinks habang nakangiti.
Napangiti naman ng malawak si Yiesha nang makita ang kaibigan. Sinalubong niya ito at sinalubong naman siya ng isang mahigpit na yakap ni Greige.
“Bakla! Head kana ng designing team! Kamakailan lang, namro-mroblema ka pa dahil baguhan ka pa lang,” bungad nito sa kanya at humiwalay na ito mula sa pagkakayakap.
“Hahaha! Oo nga, e! I still can’t believe na sobrang aga naman ng naging promotion ko,” hindi naman maitago ni Yiesha ang sayang nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang lahat ng nangyari sa araw na ito.
Inilapag ni Greige ang dala niya sa mini table dito sa opisina ni Yiesha at saka inilibot niya ng tingin sng kabuoan ng kwarto.
“Infairness, ang ganda ng office mo! Congratulations, Yiesha my dear! I’m so proud of you!” aniya at kinindatan si Yiesha na mag kasamang thumbs up.
“Oo na! Hahaha! Tama na nga ‘yan. Kumain na lang tayo dahil natatakam na ako sa dala mong pizza,” aniya at kumuha na siya ng isang slice at kumagat dito. Napapatango naman siya dahil sa sarap nito.
“It’s so tasty, where did you bought it?” usal na tanong niya sa kaibigan.
Kumagay muna si Greige sa hawak niya pizza bago bumaling kay Yiesha. “Diyan lang. Across the street,” tugon nito. “Alam na ba ito ng parents mo?” dagdag niyang saad.
Umiling naman si Yiesha. “Not yet. Mamaya na siguro pag-uwi ko,” aniya at uminom ng coke.
“Sa loob ng tatlong buwan, I witnessed how hardworking you are. Kaya, deserve mo ang ganitong posisyon. Sa katunayan nga, tinalo mo ng kasipagan ang iba dito na matagal nang nagtra-trabaho!” manghang saad ni Greige.
Tinuro naman ni Yiesha ang kaibigan habang natatawa niya itong tinignan, “Ikaw talaga! Naku! Nambobola ka na naman.”
Napaisip naman si Greige. Hmm... Slight? Biro lang! Hahaha! Seryoso kaya ako.”
“Okay, okay. Seryoso na kung seryoso, pero wala ka paring jowa!” pagbibiro niya rito pero imbes na mainis ang kaibigan, tinawanan din siya nito.
“Ikaw din, wala!” kasabay naman nito ay ang malakas nilang tawanan.
Habang tumatawa silang dalawa, hindi naman maiwasan ni Yiesha ang mapaisip sa lahat ng nangyari sa araw na ito.
‘’Lord, eto na po ba ang sagot sa lahat ng problema ko? Eto na ba ang simula ng pagiging masaya ko? O, pinaparanas mo lang sa akin ang ganitong klaseng saya, dahil may darating pala na siyang ikakalungkot ko? ‘