“Good morning, Miss Yiesha!” Napalingon sa kanyang likuran si Yiesha dahil sa isang boses na tumawag sa kanyang pangalan. “Good morning too, Criza,” balik niyang pagbati rito at binagalan ang kanyang paglalakad para magkasabah silang dalawa. “How’s your day po kahapon?” pagtatanong nito sabay sulyap kay Yiesha. Nag-alangan naman si Yiesha na sagutin ang tanong nito dahil naalala niya na naman ang lahat ng nangyari kahapon. Napagtanto niya na hindi niya pala nasabi sa mga magulang niya ang tungkol sa promotion. Sa kabila ng lahat ng iyon ay isang magandang ngiti pa rin ang ipinakit nito kay Criza, “It’s great!” “Good to know po,” mahinhin nitong tugon na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Nang malapit na sila sa pintuan patungo sa opisina ng designing team, nagmadaling na

