BUONG araw ay hindi maalis sa isipan ni Niella kung sino ang babaeng kasama ni Axriel. Kung kaya’t imbes na asikasuhin niya ang mga papeles na nasa kaniyang harapan, ni isa ay wala siyang natapos dahil hindi siya mapakali sa kakaisip kung saan pupunta ang mga ito. Minu-minuto siyang napapatingin sa kaniyang cellphone kung nagparamdam si Axriel ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala man lang siyang natanggap na mensahe galing sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ni Niella na hindi na masyado nagpaparamdam si Axriel sa kaniya. Kung hindi niya ito tatawagan, hindi ito mag-aabala na kausapin siya. Akala niya ay abala lamang ito sa trabaho pero nang dahil sa kaniyang nasaksihan kanina, hindi niya maiwasan na mag-isip ng mali rito. Hindi ganoong klaseng lalaki ang kaniyang pag

