Masama ang tingin sa kanya ng kanyang malditang pinsan habang pinapanood sya nito na para bang may nagawa na naman syang mali. Salit salitan lang naman nyang hinahalikan ang kamay at ulo kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Hindi nya alam kung bakit binabantayan nito ang kilos nya at kanina pa nya ito itinataboy pero sadyang maldita talaga ito kaya naman kahit gustong gusto nyang tabihan ang asawa at yakapin ito. Halikan sa labi ay hindi nya magawa. Kaya hangang sa noo at kamay nalang sya. Panay ang irap nito pero wala syang paki. “When are you going to tell aunt that you are already married?” Tanong nito. Hinalikan muna nya ang noo ng asawa bago sya bumaling sa pinsan. “When everything is fine.” Maiksi nyang sagot. Saglit itong napaisip habang nakalabi. “At kailan naman iyon?” H

