Hindi parin mapatid patid ang luha sa mga mata ni Althea kahit kanina pa sya inaalo ng kanyang asawa ay hindi nito mapigil ang kanyang luha. Alam nyang kanina pa ito nag aalala sa kanya. Halos hindi na nya matandaan kung papaano sila nakarating doon. Basta ang naalala sya ay ang pagkuha ng blood pressure sa kanya ng kasama nilang si Doc. Ivan dahil halos himatayin sya sa sobrang emosyon pagkakita palang sa mama kanina. Hindi man nila sabihin ay alam na nyang iyon ang anak nya. Pero hindi nya alam kung papaano nya ito lalapitan. Tahimik silang lahat at tanging pagsinghot at manaka nakang bulong ng kanyang asawa ang maririnig sa loob ng opisina na parang library yata dahil sa daming librong maayos na nakalagay sa book shelve. Doon sila tumuloy kaninang pagkadating nila. Magkatabi silang naka

