Chapter 16

1745 Words
“Demon, may ahas pa sa grupo.” Hinihingal na bungan sa kanya ni Dark at dinig na dinig nya sa background nito ang palitan ng mga putok ng baril. “f**k!” Nanggagalaiti nyang mura. “Get out of there! Patayin mo lahat ng kahinahinala ang kilos sa grupo mo!” Mariin nyang utos sa kaibigan. Marahas syang napabuga ng hangin. Mabuti nalang at hindi pa nya nasabi dito na nag-iba sya ng plano. Kailangan na talaga nyang unahan si Mr Ching para makuha ang treasure na siyang pakay nila. Tuso din talaga ang intsik na iyon! Matapos nilang mahukay ang kayamanan ay trinaydor at pinatay nito ang kaibigan sampu ng mga tauhan nito na kasama nitong naghirap para mahanap ang mga kayamanang iyon. Mabuti nalang at nakatunog ng mas maaga ang kaibigan nito kaya nailipat nito ang mga ginto na syang hinanap nila nitong mga nakaraan araw. Medyo natagalan lang sila dahil para silang naghanap ng karayom sa gitna ng dagat. Pero wala din pala doon ang hinahanap nila. Alam na nyang wala sa isla ng mga Chua ang ginto kung nasaan ngayon si Dark dahil nakatanggap lang sya kanina ng tawag mula sa Mga Chua na nasa gitna iyon ng dagat at ito ang huling nilang misyon. Ang iahon ang kayaman at ibigay ito sa pamilya Chua kapalit ng kalahati ay mapupunta sa kanila. Gamit ang ilang helicopter at cargoship ay pumalaot sila at mismong ang mga Chua ang nagprovide ng gagamitin nila para mapabilis ang kanilang misyon. At kasama sa misyon nila ang tuluyang pabagsakin si Mr Ching. Sa tulong na din ni Jack na alam nyang kumikilos na din ngayon kasama ang mga tropa nitong alagad ng batas para hulihin ito dahil sa patung patung na kaso na isinampa ng mga Chua dito pero sila lahat ang nagprovide ng mga ibidensya na kailangan para madiin na ito at tuluyan na itong mabulok sa kulungan. Parang nakikita na naman nya ang mga parangal na matatanggap ng kanyang pinsan dahil sa mahuhuli nitong napakatabang isda. Maliban sa goggles na isinuot nya ay hindi na sya nag abala pang magsuot ng diving gear para silipin ang kayamanang nasa ilalim ng dagat dahil ayon sa captain ng cargo ay mababaw lang kung nasaan ang mga ginto at hindi nya maiwasang mamangha dahil ilang malalaking container box ang nandoon. Halatang alam kung nasaan ang mababaw na bahagi ng dagat. Mabilis syang umahon at sininyasan ang mga kasamahan pati na din ang nagmamaniobra sa helicopter na halos maglanding na sa tubig. Inutosan nya ang ilan sa mga tauhan na sumisid. Inabot na sila ng madaling araw bago nila naikarga lahat. “Master this is Alpha, may speed boat na paparating mula sa hilaga.” Tunog ng kanyang radyo na mula sa himpapawid. Napangisi sya. Sininyasan nya ang captain ng barko. “Copy. Kayo na ang bahala sa kanila.” Alam na nito ang kanyang ibig sabihin. Binalingan nya ang mga tauhan na kanya kanyang dampot ng kanilang armas. Hindi na nya kailangang sabihin na humanda ang mga ito dahil naging alerto ang bawat isa. Kampante syang umupo at sumimsim sa kanyang kape. “Bawal mamatay! hindi kayo makakapag uwi ng ginto sa mga pamilya ninyo pag namatay kayo.” Pananakot nya sa mga ito habang may ngisi sa labi. Sigawan ang mga ito at kitang kita nya ang kislap ng mga mata nito. Agad na pumunta sa kanya kanyang pwesto. Ilang saglit pa ay palitan na ng putokan mula sa taas at sa speed boat pero hindi nagtagal ay sunod sunod ang pagsabog. Narinig nya ang pag ugong ng radyo. “Master, pinasabog ko na ang tatlong speed boat!” “Tsk! Hindi mo man lang pinalapit.” Aniya na pinagpatuloy ang pagsimsim sa kanyang kape. “Master, kating kati na ang palad kong makahawak ng ginto eh.” Sinadya kasi nyang iparinig dito ang sinabi nya sa mga tauhan na kasama kanina. Lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi. “Sige. Siguraduhin ninyong malinis ang dadaanan natin dahil pagkatapos nito ay mayaman na kayong lahat.” Pahayag nya. Halos mabingi sya sa sigawan. “Roger!” Masayang sagot ng kausap. - - Ibinagsak ni Renz ang katawan sa kanyang kama ng sa wakas ay nakauwi na sya sa kanyang bahay. Isang malalim na hugot ng hininga ang kanyang pinakawalan at saka ipinikit ang mata. Ramdam nya ang pagod at kakulangan ng tulog. Dalawang gabi din syang walang tulog at ilang araw na silang pagod. Idagdag pang hindi mabura bura sa balintataw nya ang magandang mukha ni Shannon. Napadilat sya ng mata ng lumitaw na naman ito sa kanyang isipan, “I really need to see her.” Anas nya dahil parang ito lang ang makakapawi ng pagod nya. Parang lutang uli syang bumangon at hindi na nag abala pang naligo o magbihis man lang. Nababaan nya ang dalawang tauhan na kumakain. “Boss?” Alertong tanong ni Garry na parang may pagtataka sa mga mukha ng mga ito. “Hindi pa kayo nagpapahinga?” Nagkatinginan muna ang mga ito bago sumagot. “Magkakape lang boss at kakain na din dahi baka bukas na kami magising nito.”Gusto po ninyo ng kape?” Alok pa ni Garry. “Iinom lang ako ng tubig bago ako aalis.” Tinungo nya ang ref at sya na ang kumuha ng sariling inomin. “Aalis? Saan ang lakad natin boss?”halos sabay pang tumayo ang mga ito at inilabas agad ni Garry ang susi ng kanyang kotse na nasa bulsa lang nito. Lihim syang napangisi. “Taposin nyo ang pagkain ninyo dahil ako lang ang aalis. Pagkatapos ninyo dyan ay magpahinga na kayo.” Nagkatinginan naman ang dalawa na parang nagtataka. “Pero boss—“ itinaas nya ang kamay na parang pinapatigil ang mga ito sa pagtatanong. Ang mga dati nyang tauhan ay si Garry at Bruce lang ang nagpaiwan. Lahat sila ay nagsiuwian sa kanikanilang pamilya. Wala naman kasing pamilyang mauuwian ang mga ito at alam nyang sya na ang itinuring na pamilya ng mga ito. Wala pang kalahating oras ay nakarating na sya sa tapat ng lumang apartment ng babaeng laman ng kanyang isipan. Lumang luma na ito at ang ilang bintana ay natatakpan nalang ng plywood. Magulo at maingay ang paligid at kahit madaling araw na ay mayroon paring mga taong naglalakad lakad at nagtitinda ng kape at kung ano ano pa. May mga aso at pusang gala din. Bumaba na sya at doon nalang din ipinark ang kanyang sasakyan sa makipot na eskinita. Duda sya kung makakausot ang tricycle doon ng hindi masasagi ang kanyang sasakyan. Ahhh bahala na! Kahit magasgasan na ang kanyang sasakyan... mabuti nalang at iyong luma pa ang kanyang dinala. Ang gusto nalang nya ngayon ay matulog habang yakap ang dalaga. Walang kahirap hirap nyang nabuksan ang pintuan ng mga ito. Next time ay kakabitan nya iyon ng ibang lock o kaya ang mga ito nalang ang ililipat nya ng apartment! Napangisi sya ng makapasok sya sa kwarto ng dalaga ng mahimbing parin ang tulog. Ibinaba nya ang sapatos sa gilid dahil ayaw nyang makita iyon ng kaibigan nito. Inalis nya ang jacket at buong ingat ang bawat galaw nya para hindi ito magising. Hinubad nya lahat ng damit at tanging boxer short lang nya ang kanyang itinira. Nasa kanang bahagi ito ng bed nitong alanganin pa yata na pangdalawahan lalo na kung sya ang hihiga doon. Pero mas pabor sa kanya dahil gustong gusto nyang dikit na dikit ito sa kanya. Maingat syang humiga sa tabi nito at sumukob sa kumot na nakabalot sa katawan nito. Napapikit sya ng masamyo ang pamilyar nitong amoy. Masuyo nyang ipinulupot ang kanyang braso sa maliit nitong baywang at idinikit ang mukha sa batok nito. It feels home pinuno nya ang baga sa amoy nito bago ipinikit ang mata. - - Naalimpungatan si Shannon dahil sa bigat ng pakiramdam at parang may hangin na bumubuga sa kanyang leeg. Mapapakamot sana sya doon pero may tinamaan ang kanyang kamay kaya napadilat sya ng mata at ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata ng makita ang mukha ng taong halos isang buwan na nyang inaabangan na magpakita sa kanya. Napalunok sya at ilang kurap ang ginawa nya dahil baka dinadaya lang sya ng kanyang mga mata. Tumaas ang kanyang kamay at tinusok pa ng kanyang daliri ang pisngi nito. Namilog ang kanyang mata at napatakip pa sa kanyang bibig dahil para pa syang nagulat! Totoo ngang nandito sya! Pero hindi man lang ito nagising sa ginawa nya. Nagkaroon tuloy sya ng pagkakataon para titigan ang mukha nito. Nakatagilid ito at ang makinis na balat ng mukha nito ang nakalitaw. Maingat nyang hinaplos iyon. Gusto nya itong yakapin dahil namiss nya ito pero nagdalawang isip sya dahil baka magising ito. At saka parang nahihiya din sya. Hehe. “Ang pogi mo sigurong lalo kung hindi nagkaganyan ang mukha mo.” Bulong nya. “Mas lalo sigurong maraming maghahabol sayong babae pag nagkaton.” Hindi nya maiwasang mapasimangot sa naisip. “Mapapansin mo parin kaya ako?” Napanguso uli nya saka inirapan ito. “Malamang hindi. Sa suplado mong iyan.” Hindi nya alam pero bakit parang bigla syang nainis. Mabilis nyang ibinaba ang kamay at pumikit uli ng gulaw ito. Mas hinigit nito ang kanyang baywang payakap at pumermis uli ang mukha sa kanyang leeg at naging pantay pantay uli ang paghinga. Binuka nya ang isang mata at sinilip kung nagising ba ito. Pero parang tulog uli. Maingat syang gumalaw at ganon nalang ang panggigilalas nya ng may masagi ang kanyang hita na matigas! Iniangat nya ang kumot para masilip iyon at napatakip uli sya sa kanyang bibig ng makitang wala itong suot maliban sa boxer short nito. Mabilis nyang ibinaba ang kumot na kanina ay inangat nya na para syang nakagawa ng krimin sa itsura nya! Mas domuble ang t***k ang kanyang pulso dahil sa tanawin sa ilalim ng kumot. Shit! Hinding hindi nya makakalimutan iyon! Ang walong matitigas na pandesal nito sa tyan at lalo na ang matigas na bagay na iyon! Shit! Pinagpawisan sya bigla! Biglang pumasok sa alaala nya ang gabing iyon! “No! Hindi na ako papayag na maulit uli ang ginawanami noon! Over my dead body!” Bahagyan pa nsyang umiling iling at nilokuban ang takot ang kanyang dibdib. Ayaw na nyang magpadoctor ng dahil lang doon! Nakakahiya! Mismong pinsan pa nito ang tumingin sa kanya. Mabilis syang bumangon at wala na syang pakialam pa kahit magising pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD