"Class, make sure you finish your project by Monday, okey?" Malapit na ang finals kaya pasahan na naman ng mga project.
"Yes Miss Matabil." Sagot ng kanyang mga estudyante. Mataman nyang pinanuod ang mga itong nagliligpit ng gamit. Nagsimula na ding umingay sa kanilang classroom dahil may naghaharotan na, chikahan. Habang iyong iba ay palabas na.
Dumako ang kanyang mata sa isang taong kagigising lang dahil sa ingay yata sa mga kaklase nito. Napabuga sya ng hangin. Hindi na nya alam kung ano ang gagawin nya sa batang ito.
"Mr. Cruz, can we talk for a moment." The most hardheaded among her student. Pasaway. Patamad uli itong bumalik at pabagsak na umupo. Wala pa yata sa hwesyo .
Hinintay muna nyang makalabas lahat bago nya ito kausapin. Inabala muna ang sarili sa pag aayos ng gamit sa kanyang table.
"Please sit here in front Mr Crus." Pinalipat nya ito sa harapan dahil nasa bandang likod ito. Matalim ang mata na tumitig muna ito sa kanya na parang kukontra pero sumunod din. Walang imik itong tumalima pero halata talagang napipilitan.
Napabuga sya ng hangin. He's so stubborn to deal with. Tinitigan muna nya ito bago nagsalita. "Aware ka naman siguro na hindi maganda ang gra--"
"So what do you want me to do?" Annoyance was obvious in his voice. Ni hindi man lang nito pinatapos ang kanyang sasabihin.
Kailangan nya ng mahabang pasensya para hindi nya ito mapingot. "Well, I know you're smart ... kung maseseryoso ka, paniguradong makakaabot ang grades mo at ipasa iyong mga project na ipinapagawa sa inyo. Or else--- hindi ka makakagraduate kung bababa pa ang gra--"
"That's bullshit!" Bastos talaga! Padarang itong tumayo at Nanlilisik ang mga mata na tumungkod ang dalawang kamay sa kanyang mesa "How much do you want, Miss Matabil?"
Abat! Her lips parted for a seconds. Isampal ba naman ng estudyante mo ang ganon. "Binabayaran mo ba ako Mr Cruz?" She asked as her eyes narrowed.
Napingisi ito. "Why? There is nothing in this word that money cannot buy Ms Matabil." He says full of sarcasm.
Napahinga sya ng malalim para kalmahin ang sarili. "Well then Mr Cruz, see you next sem." Huh ano sya? Anong akala nya, mukha syang pera?! Utot nya!
"You can't do that to me Miss Matabil." May pagbabanta pa nito sa kanya.
Patigasan pala ha. "Try me Mr Cruz. Gawin mo ang sinasabi ko at gagraduate ka. Marunong naman akong magkunsedera ng mga estudyante na na mapupurol ang utak---"
Nakita nya ang inis sa mukha nito. Well, hindi naman mapurol ang utak nito. Sadyang tamad lang at ginagawang tulugan ang klase nya. "Are you telling me na mapurol ang utak ko?" Nanggagalaiti nitong tanong.
Tinaasan nya ito ng kilay. "Hindi ba? Kasi kung matalino ka, mataas ang grades mo dapat." Mapang inis nyang sabi dito. Kung kanina ito ang ngingisi ngisi, ngayon sya naman! Gusto mo ng away eh.
Para itong nagbubuga ng apoy.
"I'm sorry to disappointed you Mr Cruz but unfortunately I'm the tearcher here. Kung ibang teacher siguro baka nagbibilangan na kayo ng pera. Kung gusto mong gamitin ang pera mo para lang makagraduate ka I advice you to talk the management or the head of this school at sa kanila mo ioffer iyang pera mo, pero ako, hinding hindi ko dadayain ang record book ko para lang makagraduate ka." Matapang syang sabi dito.
"Come on Miss Matabil, walang nakakaalam na tumanggap ka ng pera sa akin." Nakangising sabi nito na hatang hindi parin sumusuko.
Napangiti sya. "Wala akong pakialam sa pera mo Mr Cruz. Kung gusto mo talagang makagraduate, I'm willing to help you. Dahil sa totoo lang ay nagsasawa na din ako sa pagmumukha mo." Alam nyang himig mataray sya.
He laugh without humor. "Aren't your words too harsh Miss Matabil." Parang biglang nagbago ang awra nito. "Pwede ko iyang gamitin para matanggal ka dito sa eskwelahan.
Tinapatan nya ang pang iinis nito. "I don't care Mr Cruz. Now, mamili ka. Magseseryoso ka or kailangan ko pang ipatawag ang parents mo para makausap---"
"Okey fine! You win this time Miss Matabil. But I will make sure you'll pay for this." Patamad uli na umupo ito sa upuan.
Tumaas ang kanyang kilay. "At nakuha mo pa talaga akong bantaan Mr Cruz ha. Bakit, para sa akin ba ang tagumpay pag grumaduate ka?"
"Then atleast go out with me."
Her eyebrows arched. "What? Why would I do that?" Hindi nya makapaniwalang tanong.
"Dahil mag aaral ako ng matino, don't you think I deserve a reward for doing that." Anito saka sya matiim na tinitigan.
Napahaplos sya sa noo. Kukulubotin yata sya nito. "Alam kong maganda ako Mr Cruz, sobrang ganda pa nga. Pero hindi ako nakikipagdate sa estudyante ko. Grumaduate ka muna bago ka mayaya ng date. And please... ayosin mo ang buhay mo--"
"Wait Miss Matabil." Putol nito sa sasabihin nya. "You're too excited. You're not even my girlfriend yet pero pinakikialaman mo na ang buhay ko." Anito na parang naaliw na sa kanya.
Napabuga uli sya ng hangin. "Sinasabi ko ito dahil ako na ang pangalawang ina mo Mr Cruz--"
"Ina? That's totally bullshit Miss Matabil baka aasawahin pa." Giit nito.
Sinamaan nya ito ng tingin. "Pag hindi mo ako tinigilan Nathan Cruz, bagsak kana ngayon palang." Naiinis na talaga sya. Mabuti pa iyong ginagalit sya eh kaysa iyong iniinis sya ng ganito.
Tumawa ito, samantalang kanina ay ang sama ng tingin sa kanya. Bipolar talaga!
"I've noticed just by now that you are really beautifu Miss Matabil." Ay talaga ang kupal at tinitigan pa talaga sya!
Nilukutan nya ito ng ilong. "Papaano mo mapapansin Mr Cruz kung palagi kang tulog sa klase ko at kung hindi naman ay hindi ka nakikinig at sa labas ng bintana ka nakatitig. Well, hindi ko naman kawalan iyon. Kung noon pa ay pinagtuunan mo na ng pansin ang pag aaral mo, matagal kana sanang nakakita ng maganda." Aniya sabay irap.
Ang lakas ng naging tawa nito. "Okey, simula sa Lunes ay makikinig na ako sayo at sayo lang ako tititig hanggang hindi matapos ang klase natin." May panunukso pa ang kislap ng mata nito.
Hindi sya makapaniwalang sa ganon natapos ang pag uusap nila ng kanyang estudyante. At hindi na bago iyon sa kanya. Maraming nanliligaw sa kanyang estudyante dahil nga halos kaedad lang din nya ang mga ito pero syempre, sya parin ang teacher nila at mahigpit na pinagbabawal iyon sa paaralan nila. Kahit naman siguro saang school ay ganon ang patakaran.
Ring.....
Mami Ganda's calling.....
"Yes Mami Ganda?" Masaya nyang bati sa kanyang ina.
"Are you coming home anak?" Malambing nitong tanong sa kanya.
"Yes Mami." She answer.
"Good. Susundoin ka daw ni Kuya Mario ngayon."
"Paki sabi kay Amang Mami Ganda na huwag na po akong sunduin. Magbabus nalang po ako." Aniya.
"Pero anak--"
"Nag aabang na po kasi ako ng bus Mami eh." Putol nya sa sasabihin nito.
"Ganon ba. Sige mag ingat ka ha. Tumawag ka kung malapit ka ng makarating sa entrance para masalubong ka kaagad." Habilin pa nito.
"Anyway, may surpresa kami sa iyo pagdating mo." Masaya pa nitong balita.
Napangiti sya. "Naeexcite na tuloy ako Mami."
Halos isang oras din kasi ng beyahe nya sa bus pag umuuwi sya sa Mansyon ng Aragon.
Baka sabihin nyo na anak yayamanin sya ha. Anak lang sya ng isang driver doon, at doon na din sya lumaki dahil halos amponin na sya ng mga Aragon. At iyon nga. Si Mami Ganda na ang naging ina nya at marami syang Dadi, dahil dadi na ang tawag nya sa mga magkakapatid na Aragon. Itinuring na din syang pinsan ng mga anak ng mga ito.
Katatago lang nya ng kanyang cellphone ay may dumaang kotse at ganon nalang ng pagulat nya ng tumalsik lahat ng tubig na naipon sa gilid ng kalsada sa kanya.
"Aahh...." halos masuka suka sya sa baho ng amoy at nangulay itim talaga ang puti nyang blouse.
Masama syang tumingin sa kotseng tumigil dahil sa traffic.
Nagmamadali syang lumapit doon. Madilim ang kanyang mukha. At wala pa talagang balak humingi man lang ng sorry ang damuhong driver. Tignan lang natin! Pagpupuyos nya.
Malakas na kalampag ang ginawa nya sa pintuan nito. "Hoy baba muna dyan!" Pasigaw nya habang kinakalampag iyon.
Bumaba ang salamin ng sasakyan. Tumambad sa kanyang mukha ang dalawang maskuladong lalaki. Napakalaki ng katawan ng mga ito na puro bukol yata ang braso at mahahaba ang buhok. Para itong-- yong mga kontra bida sa pilikula. Ang palaging nambubugbog sa bida pag malapit ng matapos ang palabas. Iyong palaging lango sa drugs. Tama. Parang mga wrestler!
She freeze for a second and swallow hard. Kung minamalas nga naman!
"May problema ba Miss?" Pati boses nito ay nakakatakot din.
Pilit nyang kinakapa ang dilang umurong na yata. "M-manong, baba ka muna mag usap tayo." Lakas loob nyang sinabi dahil. Paabante na kasi ang traffic at nagbubusinahan na iyong mga kasunod ng mga ito. Nasa tama ka, Shannon kaya ipaglaban mo. Pagpapatapang pa nya sa sarili.
Nakita nya ang pag ngisi ng driver. Binuksan nga nito ang pintuan pero kitang kita nya ang pagkuha nito ng baril.
Diyos ko... katapusan ko na ba? Biglang nanghina ang kanyang tuhod. Napaatras din sya ng bumama din ang isa. Napalunok sya ng gumalaw pa ang mga muscle nito na nasa tapat na ng kanyang mukha. Hindi na nya maitago ang takot dahil pati bibig yata nya ay nanginginig din.
"Ano kasi iyong sinasabi mo Miss?" Tanong ng driver na nakasuksok na ang baril sa may harapan nito.
"Gu-gu-gusto ko lang n-naman na mag s-sorry kayo dahil natalsikan nyo ako ng mabahong t-tubig." Nauutal na sya sa sobrang takot at nangingilid na din ang kanyang luha.
"Gardo, just pay her so we can leave." Mas nakakatakot yata ang boses na iyon na nanggaling sa loob ng kotse. Kalahati lang ang pagkakabukas ng salamin pero kitang kita nya ang pagkislap ng gulay gintong nakatakip sa mukha. Nakamaskara!
Napako ang mata nya doon pero tumaas na ang salamin.
Namalayan nalang nya ang bagay na inilagay sa kamay nya at saka na sya iniwan.
Hindi nya alam kung ilang minuto pa syang nakatayo doon dahil isang busina ang nagpakislot sa kanya.
"Hoy tumabi ka dahil nakaharang ka sa kalsada!" Galit na sabi ng driver
Mabilis syang tumabi at doon lang nya napansin ang hawak hawak. Medyo makapal iyon.
"Pera?" Pagtataka nyang bulong
Shit!
Binayaran sya!
Napapatunganga syang bumalik sa sakayan ng bus habang hawak hawak ang pera na iyon. Ramdam parin nya ang pangangatog ng tuhod. Hindi nya alam kung nakahinga ba sya ng maluwag dahil wala na ang mga ito o ano.
Huhuhu.. Akala ko kamatayan ko na...
Advice ko lang po.. mas maganda po kung basahin nyo nalang ito kapag tapos ko na para hindi po kayo nabibitin.