“Ano ang sinasabi mong kasal kana Shannon?!” Parang tumanda ng ilang taon ang kanyang amang ng ipinagtapat nya ang lihim nilang kasal ni Renz dito at sobra syang nakonsensya ng makita ang gumuhit na sakit at pagkabigo sa mga mata nito. Napayuko sya ng ulo habang ang mga daliri ay naglalaban sa kanyang kandungan. “S-sorry po.” Dumaloy ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Ayaw nya itong saktan pero nagawa parin nya. “Anak naman eh, hindi naman kita pinagbabawalan kung gusto mo na talagang mag asawa kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka umabot sa ganito.”Bumuhos ang sakit na nararamdaman nyang sa dibdib dahil sa panginginig ng boses nito. Lakad balik ito sa harapan nya at minsan ay napapahinto para magpamaywang habang sya naman ay nakaupo sa gilid ng kama nito. Sinadya nya talaga iton

