Chapter 9

1786 Words
Dream... "Ano po ang name nya yaya?" Tanong ng batang si Abcde sa kanyang yaya Grace habang kalong kalong nito ang cute na anak. Nakahawak sya sa maliliit nitong kamay. "Shannon. Pero tawag namin sa kanya ay Shan-shan." Natutuwa namang pagpapakilala ng kanyang yaya sa anak nito. "Shannon, sya si Kuya Abcde. Ang pogi diba." Anito sa anak. He pouted his lips while thingking. Iniisip nya kung sasabihin ba nya ang gusto nyang mangyari. "Yaya--" aniya pero nagpout uli ang kanyang labi. Nahihiya kasi sya. "Bakit?" Tanong nito. "C-can I kiss her yaya?" Nahihiya nyang tanong. Tumawa ang kanyang yaya Grace. "Oo naman." Anito saka inilapit ang pisngi ng anak pero dahil malikot ang batang cute ay tumama ang mura nyang labi sa puro laway nitong labi at sinabunotan pa talaga ang kanyang ulo at akala yata ay dede ang kanyang lips dahil sinipsip pa nito iyon. Tawa naman ng tawa ang kanyang yaya at mabilis na pinunas ang kanyang bunganga dahil puro laway iyon. Nalasahan pa nga nya ang gatas sa labi nito eh. "Hahaha... hala ka baby Shan. Bakit mo naman kinagat ang lips ni kuya Abcde." Anito sa anak pero namumula ang kanyang pisngi dahil parang nahiya sya. "Hindi po nya ako kinagat yaya. Sipsip nya lang iyong lips ko." Paliwanag nya. Baka kasi pagalitan nito si baby. Bawal daw kasi ang mangagat ng bata. Kasi kinagat nya si ate Light dati dahil nanggigigil sya sa balat nito Kaya ayon, sinabihan sya ni Dadi Keith at Mami Athena nya. Pinisil nya ang pisngi ni baby Shan-shan. "You're so cute. Yaya, pag malaki na si baby Shan-shan pwedeng akin nalang sya?" Inosente nyang tanong. "Bakit gusto mo ba sya?" Tanong din ng kanyang yaya. "Opo. Gusto ko syang katabi sa bed ko." Aniya habang nilalaro ang maliit na kamay nito. Hindi sya nagsawang nakipaglaro dito hanggang sa makatulog si baby Shan-shan. Pinahiga ito ng kanyang yaya sa kanyang bed at tinabihan nya ito habang hinarap naman ng kanyang yaya ang tupihing damit. Nakangiti sya habang pinapanood ang mala anghel nitong mukha at hindi nya mapigilan ang sarili na halikan uli ang mapupula nitong labi. Sa musmus nyang gulang ay kinikilig sya. Sobra syang natutuwa sa bata. Inilapit nya ang ilong sa pisngi nito at inamoy iyon. Ang bango. Parehas silang amoy dahil pulbo nya ang inabot nya sa kanyang yaya kanina habang binibihisan ito bago matulog. "Baby, baka magising si Baby Shan-shan ha." Anang kanyang mommy la. Hindi nya namalayang pumasok pala ito sa kanyang kwarto. Wala kasi sila Mami nya kaya ang mga ito lang ang kasama nya ngayon at si yaya. Umupo ito sa kabilang side nila. "Lola, pwede bang hingiin nalang natin si baby?" Tanong nya sa lola. Nahihiya kasi sya kay yaya Grace, baka magalit sa kanya pag kinulit nya. "Bakit gusto mo syang hingin?" Tanong din sa kanyang lola. Hinalikan uli nya si baby Shan-shan kahit nakikita ng kanyang lola. Hindi kasi sya nahihiya dito, hindi kagaya kay yaya Grace. "Kasi love love ko na po sya Mommy la. Gusto ko syang ihug every night po like you and Lolo ang Mami and Dadi para hindi na din ako tatabi sa inyo, si baby nalang din ang ihahug ko tapos ikikiss ko din sya ng maraming beses." Aniya habang buong paghanga parin na nakatitig sa anghel na nasa harapan nya. Tumawa ang kanyang lola saka binalingan si yaya Grace na natatawa din. Pinapakinggan pala nito ang sinasabi nya. "Magbabalae pa yata kayo ni Keith Grace." Hindi nya maintindihan ang sinabi nito sa kanyang yaya. "Baka paglaki po nitong batang ito hindi na pansinin ang dalaga ko dahil mapapalibotan na sya ng maraming magagandang babae." Sagot naman ng kanyang yaya sa kanyang lola. "Well nobody knows Grace.. malay mo, sila pala ang tinadhana." Sabi uli ng kanyang lola. "Hindi po siguro Ma'am. Nakakahiya po. Yaya lang po ako ni sir Abcde." Napakunot sya ng noo. Bakit sya tinawag na sir. Hindi pa naman sya malaki kagaya ng Dadi nya. "Alam mo namang hindi kami tumitingin sa katayoan sa buhay. Kung sino ang mahalin ng mga anak at apo namin ay maluwag naming tatanggapin." Hindi nya maintindihan ang pinag uusapan ng mga ito pero matyaga syang nakikinig. Nahihiya namang ngumiti si yaya Grace. "Kung magkataon man pong magka-ibigan sila pag laki nila ay hindi po ako tututol hindi dahil po sa yaman ng angkan ninyo kundi mapapanatag ako dahil alam kong nasa mabuting pamilya po ang anak ko." Anito. "Narinig mo iyon baby. Paglaki mo pwede mo ng hingiin si baby Shannon kay yaya." Masaya sabi ng kanyang lola kaya nanlaki ang mata nya dahil sa tuwa. "Talaga po?" Sobrang saya nya. "Pwede ko na din po syang katabi matulog gabi gabi at ikikiss palagi?" Excited nyang tanong. Pigil ang tawa ng kanyang lola. "Yes apo, pag laki ninyo." Anito na tumango tango pa. Sa sobrang saya nya ay bumaba pa sya sa kama at nagtatalon sa tuwa. "Yeeing... sa akin na si Baby Shan-shan." Sigaw nya habang umiikot ikot at tumatalon talon. "Sshhh.. Abcde. Huwag maingay baby baka magising si baby Shannon." Pigil ng kanyang lola. "Shannon!" Hingal na napabalikwas si Renzo ng bigla syang nagising. "Emm.. eemm.." napatingin sya sa dalagang pabiling biling din ang ulo at mukhang dinadalawa din ng panaginip. Butil butil ang pawis sa noo nito. Gigisingin na sana nya ito ng biglang magsalita. "Abcde.. Abcde.." anito habang nagpapabiling biling parin ang ulo. Natigilan sya Abcde? Bumalik ang tingin nya sa mukha ng dalaga. Abcde din ang pangalan ng batang lalaki sa kanyang panaginip na pakiramdam nya ay sya. Magkaiba lang sila ng pangalan. "Hey wake up." Tinapik tapik nya ang mukha nito. "Abcde!" Nakagisingan nito ang pagsambit ng pangalan na iyon. Posible bang magkapareho sila ng panaginip? Nagtatakang tumingin ito sa kanyang mukha saka napahawak sa noo pero nasalat yata na basa iyon ng pawis. "Nanaginip ka." Aniya. Bumaba sya at nagkalkal sa dura box nito. Naglabas sya doon ng towel at binigay iyon dito. Natutulala ito na parang hindi pa tuluyang nagigising ang diwa. Nagsalin sya ng tubig sa baso. Mabuti nalang at mayroon ng tubig sa babasaging pitchel at isang baso na sinadyang yatang ilagay doon. "Night mare?" Tanong nya habang inaabot dito ang tubig. Umiling ito. Saka tahimik na ininom ang tubig na inabot nya.. "Salamat." Isinauli sa kanya ang baso. Nagsalin uli sya ng tubig doon at uminom din. Matapos nyang ibaba ang baso ay bumalik sya sa kama at tinabinahan ito. Nakaupo silang parehas. "Ano ang napanaginipan mo?" Tanong nya. Napabuntong hininga ito. "Napanaginipan ko iyong taga hanga ko noong maliit pa ako." Sagot nito. Himig pabiro pa. Kumunot ang noo nya. "Taga hanga? Childhood sweetheart?" Malungkot itong napangiti. "Hindi ko alam. Maliit pa ako noon. Wala pang muwang sa mundo kaya hindi ko pa sya matandaan." Sumidhi ang t***k ng kanyang puso. No.. this is impossible! Sigaw ng kanyang isip. "What is your name?" He asked. Parang may gusto syang kumpermahin. Alam nyang imposible pero-- Tumingin ito sa mukha nya at saka mapait na ngumiti. "Magkatabi na tayong natulog pero hindi man lang natin alam ang pangalan ng isa't isa." Wika nito. "T-that's why I'm asking you now. I'm Renzo Monterial." Paglalahad nya ng palad. Nanlalaki ang mata nito at napatakip sa bibig. Halatang gulat na gulat. "Renzo Moterial?!" Uli't uli nitong tanong. Napakunot ang kanyang noo dahil sa reaksyon nito. Pero parang naintindihan na nya. Sa angkan ang Monterial ay sya lang ang mukhang engkanto. Mapait syang napangiti. "Hindi ba kapanipaniwala?" Tanong nya. "My god! Bakit hindi mo agad sinabi?!" Bulalas nito at mabilis na inayos ang sarili. Sinuklay pa ang sariling buhok gamit ang kamay. Bigla syang nainis sa inasal nito. "Magbabago naba ang pakikitungo mo sa akin because you found out that I'm a f*****g Monterial?" Nagkaroon ng bagasik ang kanyang mukha. Mukha itong nataranta. "S-syempre naman. Ikaw kaya ang makasama mo ang boss mo sa iisang kwarto?!" Parang hindi na nito alam kumilos ng tama sa harapan nya. "What? Boss?" Taka nyang tanong. Para itong biglang nahiya at hindi makatingin ng deretso sa mukha nya. "Nagtratrabaho ako sa Monterial University." Mahina nito sabi. Sya naman ngayon ang natigilan. So, empleyado pala nya ang babaeng ito. "Maliit ba ang pasweldo namin sa mga empleyado sa MU?" Naitanong nya. Nagugulohan naman itong tumingin sa kanya. "Huh?" "How much your salary as a teacher?" Naiinis sya. "B-bakit mo tinatanong sir?" Kinakabahang tanong din nito. "Don't answer me with another question lady." Inirapan na naman sya. "Bakit mo kasi tinatanong sir, diba dapat alam mo dahil ikaw ang nagpapasahod sa amin." Masungit din nitong tanong. "That's why I'm asking you kung naliliitan kaba sa sahod mo dahil nagtitiis ka sa apartment mong bulok na ito e mataas naman kaming magpasweldo sa mga empleyado namin." Hindi nya maiwasang maibulalas dito kung ano ang ikinaiinis nya. Ang alam nya kasi ay mataas naman silang magpasahod at marami pa silang benefits pero bakit sa maliit lang na apartment ito nakatira? Sinamaan sya ng tingin. "O di ikaw na ang mayaman. Hind ba pwedeng nagtitipid lang kami kaya mas pinili--" "Bakit nga kayo nagtitipid kung malaki naman ang sahod ninyo? Do I need to provide a shelter for--" "Magtigil ka nga! Hindi naman kami nagrereklamo sa sahod namin ah. At saka, okey naman ang tiniterhan namin." Giit nya. Lalong nalukot ang noo nya. "Okey naba sa iyo ito? Kahit gabi maingay, maraming tambay, maraming lamok, marumi ang paligid. Binabaha--" Nagulat nalang sya ng bigla nitong takpan ang bunganga nya at masama syang tinitigan "Magtigil kana." Banta nito. Napalunok sya dahil ang lapit ng mukha nito. "Para maintindihan mo po. Hindi lang sarili namin ang iniisip namin. May mga pamilya din kami na tinutustusan." Paliwanag nito. Napatikhim sya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Ilan ba kayo pamilya nyo?" Tanong nya. "Ang tatay ko lang." Maiksi nitong sagot. Halos magsalubong ang kanyang kilay. "Ang---" "Yes ang tatay ko lang at wala akong problema sa pera dahil may trabaho din sya. Pero kailangan kong tulungan ang aking kaibigan dahil mahigpit ang pangangailangan nya sa pera kaya ito lang ang afford nyang upahan at nahihirapan syang humanap ang makakasama." Hindi sya agad nakaimik sa narinig. "Matulog na po ulit tayo." Anito saka na humiga patalikod sa kanya. Napabuntong hininga sya. Tahimik syang humiga uli sa tabi nito. "Sorry, para kasing hindi safe ang lugar ninyo lalo na at babae pa kayo." Pagpapakumbaba nya. Hindi ito umimik. Napabuga uli sya ng hangin. "Galit kaba? Napabuga din ito ng hangin. "Hindi." "Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo." Aniya. "Shannon Matabil sir." Hindi na sya nakaimik dahil nilamon na sya ng napakaraming tanong. Sino ka sa aking buhay Shan-shan? Bakit kasama kita sa panaginip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD