Isa-isang tiningnan ni Madison ang mga picture na nasa mesa na inilatag ni Savanna. Gusto n'yang sumabog at ipakain dito lahat ng picture. Kaya pala tagal nitong nanahimik may iniluluto itong kawalanghiyaan. Mga picture n'ya iyon mula pag kabata, marumi at duguan, mga stolen shot na pumapatay s'ya ng kapwa n'ya bata sa loob ng isang arena sa brutal na paraan. Mga larawan na tumatanggap s'ya ng pera para patayin ang isang tao. Hindi ma itatanggi na s'ya ang nasa picture. "Meron na akong taong naka toka para i-upload yan sa mismong party ni Jasper para malaman ng lahat kung anong klaseng tao ang pinapasok nila sa pamilya nila." "Anong gusto mo?" mariin na tanong ni Madison. "Maglaho ka ng parang bula ganun lang ka simple at ako na ang bahala sa mag-aama ko." "Hindi ganun kadali ang gus

