"Shut the hell up!" mariin na bulong ni Jasper habang nasa police station sila at nag iintay ng abogado nila. "Hindi ko ginawa to para sa'yo, ginawa ko to para sa mga bata." bulong ni Jasper. Inako kasi nito ang krimen, pinalabas nitong self defense lang ang nangyari at pinagtanggol lang s'ya nito at aksidente lang ang pagkakapatay nito sa 3 lalaki na nag tangka ng masama sa kanya. "Ayoko na malaman nila na kaya mong pumatay ng tao." "Hindi nila ako kikilalanin ina, hayaan mo na lang si Savanna ang isi____." "Edi sana hindi ka na bumalik at nag bigay ng dugo mo kung ganyan lang pala ang katwira mo." angil ni Jasper na agad na itinikom ang bibig ng makitang nakatingin ang ilang desk officer na naroon. "Kung makapag salita ka parang okay lang sa'yo na may mangyari ng masama sa bata, mag

