Panimula

2511 Words
Caressing Rays Written by cinsaur -------------------------------------------------------------------- Inirapan ako ni Ate Dian matapos niyang kunin sa closet ko ang mga damit na binili ni Papa noong nakaraang linggo para sa akin. "Akin na 'to, hindi ka naman nagsusuot ng maiikli 'diba, old maid?" Sanay na ako sa pagiging mataray ni Ate sa akin. Mula pagkabata ay ganyan na siya. Naisip ko siguro ay mana lang siya kay Mama na madaling mairita at medyo malupit din. "At kahit naman mag suot ka nito, for sure hindi pa rin magkakainteres yung Barrios na nakareto sa'yo," ngumisi siya. "O baka pagtawanan ka lang niya!" Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang pagbagsak ng pinto dahil sa pag alis niya sa kwarto ko. Tiningnan ko ang orasan. Alas dos y media na ng madaling araw at nag iimpake pa ako ng gamit imbes na magpahinga na. Kakatapos lang ng birthday party ko at hindi ko inaasahan na ganto ang sasalubong sa akin pag nag eighteen na ako. I thought something more memorable is waiting for me. Hindi ko naman sinisisi si Ate Dian kahit pa ang pasimpleng pagtakas niya kanina habang nagkakasiyahan kami sa bakuran ang nagtulak kay Papa upang ipadala kami sa mansyon ng mga Barrios. Involve si Ate sa maraming isyu kabilang ang paggamit ng illegal na droga, pagiging addict sa alak, s*x scandal at marami pang iba na nakakaapekto sa negosyo namin, lalo na ngayon, madali nalang manira ng tao sa pamamagitan ng internet. Ngunit sa tingin ko naimpluwensiyahan lang siya ng mga kaibigan niyang kabilang din sa alta sosyedad, lalo na 'yung boyfriend niyang si Vern Alejo. Hindi nagustuhan ni Papa iyon at kakabangon lang sa matinding bankruptcy ang aming negosyo kaya hangga't maaari gagawin niya ang lahat upang hindi masira ang imahe ng aming negosyo. Ngayon, ang mga Barrios ang nahanap ni Papa na solusyon upang mapatay ang isyu na nalululong sa droga ang kaniyang panganay na anak. Base naman sa nalalaman ko, kilala ang pamilya Barrios sa pagkakaroon ng napakalawak na lupain sa Pangasinan at ng taniman ng tuba. At kung hindi ako nagkakamali, ang asawa ni Senyor Manuel Barrios ay isang sikat na aktres noon. Dealer kami ng iba't ibang klase ng alak kaya siguro naisip ni Papa na win-win kung tatanggapin niya ang offer ng senyor na patuluyin kami sa kanilang mansyon ngayong bakasyon. Kahit naman ganito ang set up, alam ko naman na may negosyo paring involve. Nakaplano na ang pag alis namin sa susunod na linggo ngunit dahil sa eskandalong nangyari kagabi, napaaga tuloy. Noong una ay si Ate Dian lamang sana ang ipapadala ngunit hindi pumayag si Mama na siya lang mag isa kaya napilitan akong sumama kahit pa ayaw pa ni Papa na malayo ako pagkatapos kong maabot ang legal na edad. Hindi agad ako nakatulog matapos kong iprepara ang aking gamit. Dinayo ako ng mga isipin, kahit pa hinihila na ang talukap ng aking mata gising pa rin ang aking diwa. Hindi ako makapaniwalang dalawang buwan bago ko ulit makikita ang dingding ng kwarto ko, yung aso kong si Thor at sila manang. At kung magbabago man ang buhay ko, matatapos din iyon pagkatapos ng dalawang buwan. Babalik nanaman ako rito na parang walang nangyari at magpapatuloy kung saang kabanata ko iniwan ang buhay ko. Maaga akong nagising kahit pa puyat ako. Nakasanayan ko na rin siguro at masayang magdilig ng halaman tuwing umaga kaya doon ko sinisimulan ang araw ko. Sa hardin, nakita ko si Ate Letty na dinidiligan ang halaman. Medyo nagulat siya sa presensya ko. "Naku, Miss Rio! Akala ko'y abala kayo sa pag iimpake kaya ako na ang nagdilig," pinatay niya ang hose. "Tapos na ako kaninang madaling araw mag impake. Pero ayos lang Ate Letty, ngayon nasisiguro kong hindi mapapabayaan ang mga halaman dito," I chuckled. "Ay wala kayong dapat ipag-alala Miss Rio dahil chichikahin ko araw araw ang mga halaman niyo," Si Ate Letty ang pinakabatang katulong sa aming mansyon ngunit mas matanda pa rin naman siya sa akn ng ilang taon. Lagi naman din siyang nandito at inaassist ako tuwing nagdidilig ako. Naghalakhakan kaming dalawa. Hinayaan niya akong tapusin ang didiligan at nagkwentuhan pa kami roon. Noong tinawag na ako ni Manang Sonya para sa umagahan, doon lang naputol ang kwentuhan namin. Nasa hapag na ang lahat nang makapasok ako sa mansyon. Nasa sentro si Papa at sa kanan niya si Mama. Sa kaliwa naman si Ate at ang katabi niyang bakanteng upuan ang inupuan ko. Nagtagal ang tingin ko sa namamaga niyang mata. Tahimik siya at halatang buong gabing umiyak at hindi na natulog. Sabog ang kaniyang buhok at lukot pa ang kaniyang mukha. Alalang alala si Mama sakanya. Nakaka tatlong subo palang ako sa pagkain ay nag umpisa nanaman si Ate. "Wala na talagang natitirang paraan huh, Pa? So you'll just marry me off with a complete stranger?" "There isn't any other option for you. Dianarra, you squandered every opportunity I offered you. This is the result of your actions," "Papa, bente na ako? Hindi ba dapat malaya ko nang nagagawa ang mga gusto ko-" "The problem here, hija, is you abused your freedom-" Hindi makapaniwalang natawa si Ate. "Talaga, Pa? Naniniwala kayong drug addict ako? Pinapaniwalaan niyo ang mga nakikita niyo lang sa labas kaysa sa sinasabi ng sarili niyong anak?!" "Dian..." alu ni Mama sakanya at sinsenyasang tumigil na. "Ricardo pwede bang kahit ngayon lang ay mapayapa tayong kumain?" "I can't believe you!" banas ulit ni Ate Dian, matindi na ang galit na ito. Nagbabantang tingin ang ginawad ni Papa sakanya. "This would not happen to you if you only behaved like your sister," Nagdidileryong tumawa si Ate kahit pa nagsisibagsakan na ang luha nito. "Pasensya nalang at hindi santo ang panganay mong anak," aniya atsaka padabog na umalis doon at nagkulong sakanyang kwarto. Gusto kong sundan si Ate ngunit alam ko namang itataboy niya lang ako. Kung nagsalita ako kanina baka mas lalo lang siyang mairita sa akin kaya pinili ko nalang ang manahimik. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit pa naririnig ko ang bangayan nina Papa at Mama sa harap ko. Hindi ako makaalis dahil baka isipin nilang bastos ako o ano. Ang gusto ko lang naman ay kahit minsan lang maging kalmado sila at magsalo-salo kami ng mapayapa. "When will you stop comparing your daughters, Ricardo? Alam mo namang masyadong sensitibo si Dian sa mga ganoon hindi ba? Tapos isinama mo nanaman kanina sa sermon mo?!" ani Mama kay Papa. Hindi ko alam kung saan ko idadako ang tingin ko. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko rin kung bakit mas lalong sumiklab ang bangayan kanina ni Ate at Papa... dahil iyon sa akin. "Obviously, Davina, I wasn't making a comparison. Things won't get complicated if she behaved like Rio. Paano ba kasi'y ikaw mismo, hindi siya mapagsabihan. You knew she's a spoiled brat," "At sa akin mo sinisisi iyon, talaga ba? Imbes na ayusin mo ito ay naghahanap ka pa ng butas upang mangsisi ng iba?" Naihilamos ni Papa ang mga palad niya sa kaniyang mukha. He was keeping the last strings of his patience from breaking apart. "I'm sorry. Let's just eat," mahinang tugon niya kay Mama. Nagkatinginan kami ni Papa. He smiled at me. It was assuring. Pero hindi ako makangiti pabalik. Si Mama naman ay hindi kailanman ako pinatakan ng atensyon. My family isn't quite picture-perfect. Pero kahit ganoon pa man, mas pinipili ko nalang umintindi lalo na sa mga sitwasyong ganito. Nasa tapat ako ng main door ng aming mansyon habang nagpapaalam kay Thor. Isa siyang napakakulit na Yorkshire Terrier. Tatlong buwan palang siya sa akin pero tinuturing ko na siyang bestfriend ko. Wala naman akong matawag na kaibigan dahil sa eskwelahan lang naman ako kinakausap ng ibang kaklase at wala pa kailanman ang nagsabi ng problema sa akin o kahit anong tipikal na gawain ng isang kaibigan. Nakaluhod ako noong inangat ko si Thor sa bisig ko. Natatawa ako sa hitsura niya dahil kakapagupit niya lang at medyo hindi sanay sa bagong hitsura. Mahaba kasi ang buhok nito noon at para bang matanda ngunit noong ginupitan parang bumata ng limang taon. "Paano 'yan, Thor? Mawawala ako ng dalawang buwan at hindi tayo makakapaglaro sa bakuran," malungkot kong sabi habang hinahaplos ang balahibo niya. Minsan kasi tuwing uuwi ako galing eskwelahan ay maglalaro muna kami sa bakuran. Itatapon ko ang butong laruan at kukunin naman niya iyon at ibabalik sa akin. "Pero huwag kang mag alala. Sinabihan ko naman na sina Manang tungkol sa mga bawal at pwede mong kainin. Tapos kung ilang beses kang papaliguan sa isang linggo..." Noon kasi'y madalas ang paligo ko sakanya dahil nga sa mahaba pa ang kaniyang buhok at natatakot akong malagyan ng garapata. Sabi naman ng vet mas mainam nga raw ang paraan ko. "Huwag mo lang papasakitin ang ulo nina Manang, ha?" Paulit ulit niyang dinidilaan ang braso at baba ko habang binibilinan siya. "At baka mag hanap ka ng chicks habang wala ako? Bawal muna 'yon..." Tumahol siya na para bang sumasang ayon sa sinasabi ko. "Sinungaling ka naman eh... mag hahanap ka pa rin naman..." Bumaba siya sa sahig at nagpaikot ikot sa harap ko. Natawa ako at niyakap siyang nanggigigil. Kumawala si Thor sa yakap ko at bumaba sa aming patio. Tinawag ko siya ngunit tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo kaya sinundan ko na rin. Doon niya ako dinala sa landscape garden namin sa harap lang naman ng mansyon. Napaawang ang bibig ko ng makita ang isang kuting sa ilalim ng Santan. Natutulog at payapa. Dinilaan siya ni Thor. Akala ko'y mag aamok ang pusa ngunit dinilat lang niya ang kaniyang mata at pumikit muli. "May kaibigan kang pusa!" masaya kong sabi kay Thor. Tumahol siya ng tatlong beses. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. "Anong ipapangalan natin sakanya?" lumuhod ako at hinaplos ng hintuturo ko ang ulo ng kuting. "Hmm. Pepper kaya?" Napansin ko kasi ang itim itim na dot sa puti niyang balahibo. Hindi tumahol si Thor kaya ngumuso ako at chineck pa ng mabuti ang pusa. Nakita kong lalaki ito at medyo hindi bagay ang naisip kong pangalan. "Ah, alam ko na! Heimdall kaya?" sulyap ko kay Thor. Malakas itong tumahol at ang pusa nama'y biglang ngumiyaw. Nasiyahan ako at napagpasiyahang Heimdall na ang pangalan ng kuting. Tinawag ko si Ate Letty upang kausapin siya tungkol sa kuting. Alam kong hindi iyon pwedeng manirahan sa labas lang at mukhang pusang ligaw naman siya kaya't aampunin ko na. "Kung ganoon Miss Rio, sa tapat nalang ng kulungan ni Thor ko ilalagay ang kulungan nitong kuting kapag dumating na," "Kung maari ay pagtabihin niyo nalang ang kulungan tutal hindi naman nila sinasaktan ang isa't isa," "Masusunod, Miss. Ililipat ko agad ang kuting kapag nakaalis na kayo," "Salamat Ate Letty!" Tumahol din si Thor sakanya. Karga karga ko siya at paulit ulit na hinahalikan ang kaniyang buhok. Nakahanda na ang sasakyan namin paalis at ang gamit namin ni Ate ay nakalagay na rin doon. "Naku, Miss Rio. Mamimiss namin kayo," ani Ate Letty habang nakatingin sa ginagawa ko kay Thor. "Ako rin Ate Letty..." "Mas sumasarap kaya luto kapag sinasamahan mo si Manang. Alam mo na kapag nagluto ang diabetic medyo matabang," Nagtawanan kaming dalawa roon. Hanggang sa nilapitan na ako ng ilang kasambahay at ni Manang Sonya upang pormal na makapagpaalam. "Miss Rio kapag masama ang ugali noong nakareto sa'yo, tadyakan mo agad ah?" ani Bea "Paano kapag pogi, Bea?" "Edi..." maloko siyang ngumisi kaya nagtawanan kami. Kung may mamimiss man ako sa mansyon, isa ang maliwanag na awra at kakulitan nila roon. Natigilan lamang kami noong may biglang humarurot na kotse sa tabi lang noong sasakyan namin. Nagulat ako nang makita ang lulan noon na si Vern Alejo. Matangkad siya at blonde ang buhok kaya't nasisiguro kong siya nga iyon. Napasinghap ang mga kasama ko nang makita ang paglabas ni Ate galing sa loob ng mansyon. Napatingin ako sa mga security naming paparating. Nayakap pa ni Ate si Vern Alejo bago siya ilayo ng mga security. Nagpupumiglas si Vern. Ako naman ay binaba sinThor at mabilis na tumakbo kay Ate upang ilayo siya roon dahil nilalabanan niya rin ang mga sekyu. Nataranta ang mga kasambahay at tinulungan na rin ako. Mabilis na bumalik si Manang Sonya sa mansyon upang ipagbigay alam kina Papa ang nangyayari rito. Nagpupumiglas din si Ate at halos itulak kaming lahat ng buong lakas upang makawala ngunit marami kaming pumipigil sakanya. "Dian! They'll marry you off! That's not what you want!" sigaw ni Vern. Hindi sumagot si Ate ngunit tumulo lang ang kaniyang luha. She seemed tired and exhausted kahit na mataas pa ang araw. "Let's run away. Be with me, Dian!" "Do you love me?" namimiyok na sabi ni Ate. Pati kami ay parang natutop at hinintay ang sagot ni Vern Alejo. Ngunit maging siya'y natigilan at hindi makasagot. "Anong kaguluhan ito?" boses ni Mama ang namutawi sa katahimikang dumaan. Kasama niya si Papa ngunit siya ang nangungunang bumaba sa bating hagdan ng mansyon. "Bitiwan niyo siya!" sigaw ni Mama si amin. "Are you okay, hija?" hinaplos niya ang mukha ni Ate at niyakap. Napansin ko ang pagdila ni Thor sa paa ko. Humakbang pasulong ang isa sa mga security na nandoon, palagay ko'y siya ang nangunguna sakanilang lahat. "Sir, ano pong gagawin namin kay Mr. Alejo?" tanong niya kay Papa. "Wala kayong ibang gagawin, Fidel. Ibalik niyo siya ng buo sa corrupt niyang pamilya at hayaang harapin ang nakakahiya niyang imahe." Halos mamuti na ang bibig ni Vern Alejo nang masulyapan ko ito. "Masusunod po, Sir!" sumenyas 'yong Fidel sa mga kasamahan niya at kinaladkad si Vern Alejo palayo roon. "Dian! Please! Don't let them manipulate you!" sigaw sigaw pa ni Vern Alejo bago siya pasakayin sa opisyal na sasakyan ng mga sekyu. Lumapit si Papa kay Ate at hinaplos ang pisngi nito. Ginawaran lamang siya ng masamang tingin ni Ate. "Hindi ako sasama sa inyo," mariin niyang sabi. Sinimangutan ni Papa si Ate. "At anong gagawin mo? Sasama sa pariwarang lalaking iyon na hindi ka naman talaga mahal?" "Shut up! I don't wanna hear all your nonsense, Papa!" Nagseryoso ang mukha ni Papa. "Ricardo, tama na. Masyado mo nang pinapahirapan ang anak mo!" sabat ni Mama habang yakap pa rin ang luhaang si Ate Dian. Tumaas ang dalawang kilay ni Papa at sinenyasan si Manong Tinio, ang driver namin na ibigay na kay Papa ang susi ng aming sasakyan. Siya ang magddrive ngayon. "Kung ganoon ay umalis na tayo rito," pinal na pasya ni Papa at sumunod naman kami. Patuloy pa rin sa pag iyak si Ate kahit pa nakasampa na kami sa sasakyan. Doon sila sa likod nakaupo ni Mama habang ako naman ay nasa harapan, katabi ni Papa. Nang umandar ang sasakyan, sumilip ako sa bintana ng sasakyan upang makita sila Manang Sonya. Tumatahol si Thor sa baba ni Ate Letty. Nang makita nila ako ay kumaway sila. Si Thor ay nagpaikot ikot doon tulad ng lagi niyang ginagawa. Ngumiti ako kahit pa nahaluan ng lungkot iyon. Hindi ako makapaniwalang iiwan ko nang pansamantala ang buhay ko rito... ang buhay na nakasanayan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD