The Wife of the Billionaire Alter's Sequel: Katarina Mendez and Ceejay Altamayor's Story.
-
Bata pa lang ako, ikinukumpara na ako kay Amanda. Kapatid ko siya sa Ina. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin. Naging kabit ng daddy ni Ate Amanda si Mama ko at doon naging bunga si Ate Amanda. Mayaman ang pamilyang Sy pero dahil walang kakayahan na magdalang tao ang asawa ni Mr. Sy, kung kayat kinuha nito si Ate Amanda bilang tagapagmana niya.
Hindi lingid sa kaalaman dito sa baryo ang pagkakaroon ng relasyon ni Mama kay Mr. Sy. Hindi rin nawala ang galit ni Mrs. Sy kay mama kaya kapag nakikita niya ito ay pinapahiya niya si Mama.
Masakit na nakikita kong pinapahirapan nito si Mama pero hindi ko rin naman masisi si Mrs. Sy kung bakit gano'n siya kay Mama.
Kaya no'ng makilala ni Mama ang aking Ama at ipinanganak ako, ang lahat ng tao ay mas natuon ang paningin sa amin. Palagi akong ikinukumpara kay Ate Amanda.
Na kesyo mas maganda at matalino si Ate Amanda, na kesyo, lalaki rin akong malandi dahil nasa puder ako ni Mama.
Minsan hindi ko maiwasang magdamdam pero kinaya ko lalo't hindi natiis ng Papa ko ang mga paratang ng mga tao kay Mama, kaya mas pinili nitong hiwalayan si Mama at magpakalayo-layo.
Naaawa ako kay Mama. Oo may kasalanan siya pero alam ko nagsisisi na siya. Nakikita ko iyon. Na kahit anong parinig, pangungutya, mas pinili niyang huwag pansinin iyon, ngitian na lang, at huwag magtanim ng galit.
No'ng bata pa ako, hindi ko 'yon maintindihan. Why does she have to forgive those people who almost killed her by their words? But now, I fully understand. Habang tumatanda ako, naiintindihan ko na kung bakit.
If you'll continue to hate them, if you'll continue to be in the dark side, you will never be happy. You will never be in peace.
But, akala ko noon, mamumuhay na kami ng payapa. I mean, yes, hindi pa rin nawawala ang mga pangungutya nila pero at least we have a peaceful life and away sa pamilya ng mga Sy. Pero akala ko lang pala iyon. Sumapit ang ika-labing-siyam na taon ko, nalaman ko na muling nagkaroon ng lihim na relasyon si Mama at Mr. Sy.
"Ma, naman!" napasigaw na ako sa frustation na nararamdaman ko. Mangiyak-ngiyak ko siyang tinignan habang may pag-aakusa. "Akala ko ba nadala ka na?! Ano na naman ba 'to, Ma!"
"Mahal ko talaga siya..." Sapo-sapo nito ang kanyang mukha at humahagulgol ng iyak.
Napaiyak na lang din ako. "Hindi ka pa ba natuto, ma? Hindi ka mahal no'n! Ano ka ba naman, ma?! Tignan mo! Nahuli kayo ng asawa niya! Jusko naman, ma! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo!"
Napaupo na lang ako. Iyak ako ng iyak. Bakit kailangan niyang gawin ulit ang pagkakamali niya. Bakit kailangan sa taong ulit na 'yon?
"Akala ko si Papa na ang mahal mo. Akala ko, siya na kasi, kasi..., Ma!"
Napasigaw na lang ako. Gusto kong magwala. Nakakainis. Nadedepress ako sa kanya!
Akala 'yon na iyon. Pero napag-alaman namin na hinahanap ng mga Police si Mama. Idenemanda siya ni Mrs. Sy. Natakot ako. Hindi ko maiwasan na kabahan para kay Mama. Maraming katanungan at haka-haka ang pumapasok sa isipan ko.
Paano kapag nakulong si Mama at may binayaran si Mrs. Sy para pahirapan si Mama? And worst, baka ipapatay nito si Mama sa labis na galit. Namutla ako sa naisip.
Gulong-gulo na nga ako at humingi ako ng tulong kay Ate Amanda.
Pwede naman siguro 'yon, hindi ba? Si Mrs. Sy man ang kinalakihan ni Ate Amanda pero si Mama pa rin ang totoo niyang Ina.
Tinulungan kami ni Ate. Dinala niya kami sa isang Isla. Monterealez Exclusive Island. Ang sabi ni Ate pagmamay-ari daw nila ng kanyang kasintahan ang Isla.
Doon ko lang napagtanto na ang islang iyon ay tago at natuklasan nilang dalawa. Sila ang may-ari no'n. Ngunit labis akong nagtaka kung bakit sa Monterealez lamang nakapangalan ang Isla. Hindi ba dapat pati si Ate ay kahit man lang ilang letra sa kanyang pangalan ay masali sa pangalan ng Isla?
Hindi ko na lang binigyang pansin iyon dahil wala naman na ako sa pwesto para alamin iyon. Ate Amanda just helping us. Labag iyon sa kanya. Napipilitan lang.
"Contract?" takang tanong ko sa kanya ng umuwi siya at naikwento na malapit na silang ikasal ng boyfriend niya.
"Yep. Kasama sa Contract na magpapakasal kami ni Mateo. Excited na akong makasal sa kanya." halos magningning ang mga mata niya ng sabihin iyon.
I guess, she really loves that man. Pero...
"Ano 'yung kontrata niyo? Bakit may kontrata?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ba't nabanggit ko sa 'yo dati na kaming dalawa ni Mateo ang may-ari ng Islang ito? Well, Gusto ni Mateo ang buong Isla kaya para mangyare 'yon, gumawa kami ng kontrata. Kailangang magpakasal ng Monterealez, sa isang Sy para tuluyang maging kanya ang buong Isla." bahagya pa itong tumawa. Ang kislap sa kanyang mata ang nagpapatunay kung gaano ito kasaya.
I wanted to say, he trick you. May mali sa kontrata niyo! Niloloko ka ng boyfriend mo! But I know, if I would say that, she will get mad at me. I know ate Amanda. Kung ano ang gagawin niya, iyon na 'yun. Wala ng makakapagpabago no'n. Magagalit lang siya sa'yo.
Hindi nga ako nagkamali. Ilang linggo palang, umiiyak na siya ng lumapit sa akin. That guy, Mateo, Trick her. Sinasabi ko na nga ba. Niloloko lang ng lalaking iyon si ate. Alam kasi nito na mahal na mahal siya ni Ate kaya madali nitong nabilog ang ulo. Mapagsamantala.
"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin. Makikita nila!" ani nito habang nanlilisik ang mga mata.
Hindi ko maiwasang matakot. Kakaiba siya ngayon. Everyday. Nagbabago siya. Madali ng mairita. Halos lahat ng gamit sa bahay ay binabasag nito kapag nagagalit siya.
Mas kinabahan ako ng mariin siyang tumitig sa akin habang nakangisi. Nakakatakot siya.
"Katarina..."
Lumunok ako sa kaba. "A-ate?"
"Malaki ang utang mo sa akin- kayo ng nanay mo. Panahon na siguro para bayaran mo ako." nakangising turan niya.
Bayolente akong lumunok. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, pamilya niya kami ni Mama. Magkapatid kami at totoong Mother niya si Mama, but I guess, never talaga niya kaming itinuting na pamilya.
Hindi ko nagustuhan ang pinapagawa niya sa akin. Ang gusto niya, akitin ko si Mateo at saktan. Hindi ko ata magagawa iyon.
To tell you honestly, Hindi ako maganda. Wala akong tiwala sa sarili. Kung manamit ako ay balot na balot. Ang palda ko ay hanggang sakong. I'm not wearing glasses but always naman nakatali ang buhok ko dahil naiinitan ako. Hindi rin ako marunong na mag-ayos ng sarili kaya hindi rin ako pumayag. Ayoko rin na madamay sa problema niya.
Sa mga lumipas na araw, bumagsak ang company ng mga Sy. Hindi ko alam kung anong trick ang ginawa ni Mateo kung bakit bumagsak ang mga Sy. Naghihirap na sila. Wala man ebidensya na si Mateo ang may gawa no'n, pero malakas ang kutob ko.
Pero masama ba ako kung sasabihin ko na deserve ng mga Sy iyon? Natutuwa ako sa nangyare sa kanila. Masyado silang mapagmataas. Siguro nga karma na nila iyon sa lahat ng ginawa nila kay Mama. Sabihin na natin na may kasalanan si Mama, pero mali pa rin ang ginawa ni Mrs. Sy sa kanya.
Hindi ko lubos maisip na mapapayag ako ni Ate Amanda na sumunod sa kanya. Nagagalit ako sa kanya sa panunumbat niya. Napakasama niya! Nais niya pang gamitin si Mama laban sa akin!
Sa huli wala pa rin akong laban sa kanya.
Namasukan ako bilang katulong sa Mansyon ng mga Monterealez. Doon nakilala ko si Aniza Monterealez. Hindi ko akalain na may tinatago palang asawa si Mateo Monterealez at mas lalong nakakagulat na mas bata pa ito sa akin.
Hell! She was only eighteen years old! Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. How come na hindi ito alam ni Ate Amanda?
Ayoko sanang saktan si Aniza dahil napakabait nito pero... kapag naawa ako sa kanya, baka hindi ko na makita si Mama. Kinuha siya ni Ate at kapag hindi ko nagawa ang mga gusto niya, tuluyan niya ng hindi ipapakita sa akin si Mama.
Isang gabi, engrandeng party ang naganap, ang kaarawan ni Mateo. Ito ang gabi na isasakatuparan ang plano ni Ate.
Ang kailangan ko lang gawin ay tabihan si Mateo sa kama nito. Kapwa kami na kahubad, at pipicturan na magkatabi. And then, ayos na, kapag nakapagpapicture na, pwede na akong umalis sa lugar na ito.
Madaling araw, wala ng tao sa labas. Wala rin si Aniza dahil doon ito matutulog sa bahay ng Mother ni Mateo kaya madali sa akin ang plano dahil wala ito. Matagal na itong pinagplanuhan.
Nakita kong pumasok si Mateo sa kwarto nila ni Aniza kaya sure ako na nandon siya. Dalawang oras akong nag-antay sa aking silid. tinansya ang oras. Pagkaraan, nagpasya na pumunta sa silid ni mateo.
Madilim sa buong Mansyon. Ingat na ingat ako sa bawat kilos. Rumagasa ang kaba sa aking dibdib. Bayolente akong lumunok pagkapihit ng seradura.
Maingat iyong isinara. Madilim ang buong silid. Ang liwanag sa buwan na tumatagos sa glass door ng veranda ang tanging ilaw. Nakatalukbong ng kumot si Mateo Monterealez habang nakatalikod sa aking gawi.
Malakas na malakas ang kabog sa aking dibdib. Ilang ulit pa akong lumunok bago hinubaran ang aking sarili. Iniwan ko lamang ang aking panloob na kasuotan. Magpipicture lang naman kami...
Dahan-dahan akong naglakad sa kanyang kama. Sumampa ako doon at hinawi ang kumot nito bago inilagay ang sarili sa loob din ng kumot.
Marahas akong lumunok. Mas lumapit ako sa kanyang gawi. Halos kilabutan ako ng magdikit ang aming balat. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin mula sa kanya. Ngayon ko lamang napagtanto na wala siyang suot na damit!
Nag-init ang mukha ko. Mas lumakas ang kaba sa aking dibdib.
Isinandal ko ang ulo sa kanyang balikat at itinaas ang isang kamay na may hawak sa cellphone at pagkatapos pinindot ang camera para picturan ang ayos namin.
Iniba ko ang pwesto. Kinuha ko pa ang kamay nito at ginamit pang-unan sa aking ulo at ang isa naman ay iniyakap ko sa aking bandang tiyan. Mas lalo akong kinabahan.
Ramdam ko ang bigat ng lalaki. Lalo na ang braso nito na halos madag-aanan ang isang dibdib ko.
Mas binilisan ko ang kilos. Kumuha na ako ng picture naming dalawa. Nang matapos, mabilis ngunit maingat akong umalis sa bisig ng lalaki. Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan ang mga picture ngunit halos mamutla ako ng izoom ko ang mukha ng lalaki.
S-sino-
Malakas akong napasigaw. Tumalsik sa kung saan ang aking cellphone. May humalbot ng aking braso at marahas ako hinila, and the next thing I know, nakahiga na ako sa kama habang nakakubabaw sa akin ang lalaking hindi ko kilala. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at kaba. Bakas sa aking mukha ang takot sa lalaking nakakubabaw sa akin na may malalim kung tumingin. Ang mga mata'y nanlilisik kung tumingin habang mariin na nakatitig sa aking mukha. Nahihigit ko ang hininga sa takot.
Lagot ako! Hindi si Mateo Monterealez ang lalaking ito!