Chapter 30 Taira's POV "Anak, puwede ka bang makauwi rito sa Sabado or sa Linggo?" tanong sa akin ni Mama sa nag-aalangan pang tinig. "Bakit po, Mama? May nangyari po ba?" Hindi pa man niya ako sinasagot ay para na akong inaatake sa puso. Parang anytime ay may hindi maganda akong maririnig. Huminga siya nang malalim. "Wala naman, anak... Na-mi-miss na kasi namin ang mukha mo, ang tawa mo, ang ngiti mo at lahat-lahat na, anak. We miss you so much, hija, big time!" Napangiti ako at napailing na lang habang nagsusulat sa notebook ko. "Mama, kung alam n'yo lang, parehas lang tayo ng nararamdaman. Miss na miss ko na rin kayo nang bongga. Kung puwede nga lang akong lumipad patungo riyan, eh, gagawin ko talaga. Ang hirap kasi kapag walang pakpak," biro ko. "Oo nga, anak, eh... Eh, ikaw, ku

