Chapter 22 Taira's POV Isang kagat pa ang ginawa ko sa apple habang pasimpleng napapatingin sa gilid ko. Ano na kaya ang nangyayari sa lalaking 'yon? Parang binagsakan ng langit ang mukha nang makabalik, eh. Hindi pa naman ako sanay makitang parang maamong tupa 'tong hinayupak na 'to. Uminom ako ng baon konng sterilised milk. Kumain muna ako ng tinapay nang umalis siya bago lumabas at hinugasan 'tong apple. Alam kong hahapdi ang tiyan ko kapag wala akong kinain muna bago ito. Wala pa akong masyadong food stock bukod sa mga can goods at instant noodles. Napunta lahat sa tuition ko ang perang dala ko galing US. Kaya nang ibigay niya sa akin 'tong apple ay natuwa ako. Pagkain na 'to, eh. Kahit naman naisilang akong with a silver spoon in the mouth, hindi ko naman maaatim na magsayang, l

