Chapter 28 Zyair's POV Nang maabutan ko si Nikki sa tapat ng classroom nila ay may kausap itong lalaki. Naglakad siya palapit sa akin nang makita niya ako. Ikinagulat ko ang biglang pag-iwan niya sa kausap nito. Sa mukha at anyo ng lalaki ay nakikilala ko siya. Siya iyong isa sa mga nakalaro ko noon sa computer shop. Yeah, siya iyon... Hindi ako puwedeng magkamali. Lahat nagtatalon at nag-iingay noon dahil sa pakapanalo namin maliban sa kaniya. "Let's go, Zyair. Saan mo gustong kumain?" tanong agad ni Nikki sa akin pagkalapit nito. "Kahit saan," sagot ko naman habang nakatanaw pa rin sa lalaking iyon na naglalakad na palayo. Hinuli ni Nikki ang pisngi ko para ibaling sa kaniya ang tingin ko. Muli pa ring bumalik ang mga mata ko sa lalaking iyon na nakalayo na. Sa nagtatakang anyo ay

