Bumungad sa akin ang kisame nitong kwarto no'ng sandaling maalimpungatan ako at maimulat ko na ang mga mata ko. Halos hindi magawang makagalaw ng katawan ko dahil sa pagkatulala, na-realize ko kasi na nagising nanaman ako mula sa isang panaginip. Nakita ko nanaman sa panaginip ko 'yung lalaking, pero sa pagkakataong ito ay hindi lang ako nito kinausap, naramdaman ko pang hinalikan niya ang mga kamay ko no'ng hawak niya ang mga ito. Pero katulad din ng nangyari sa mga nakaraang panaginip ko ay nanlabo rin ang mga mata ko, kaya naman hindi ko ulit nakita kung ano ang itsura ng lalaking iyon. Naipikit ko nalang nang mariin ang mga mata ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ko ulit napaginipan ang lalaking iyon. Sigurado ako na siya 'yun dahil gano'n na gano'n pa rin ang suot niya sa p

