"Kai? I-ikaw nga ba talaga ang Ravyn na iyon?" muling tanong sa akin ni Jeera, habang nakatitig lamang ito sa akin ngayon at hinihintay ang magiging sagot ko sa kaniya. "Oo, ako nga Ravyn na 'yun," sa sagot kong iyon ay napansin ko na kaagad ang pagbabago sa mood ni Jeera. Unti-unti na ring nawala ang natitirang ngiti sa mga labi niya, na para bang nakarinig ito ng isang masamang balita. "A-ano? K-kung gano'n nagsinungaling ka sa amin? Tsk!" bakas sa tono ng pananalita nito ang sobrang pagkadismaya tungkol sa mga nalaman niya. "Napakasama talaga ng ugali mo ano?!" dagdag nitong sabi sa akin. "Sandali lang, a-ano bang nangyayari rito?" narinig ko namang tanong sa amin ni Toby. Hindi ko na nagawa pang magsalita at tanging ang pagtungo na lamang ang nagawa ko. Hindi ko sila kayang har

