DALAWANG ARAW na rin ang siyang nakalilipas simula no'ng simulan nila Toby ang pag-iimbestiga sa kaso ng nangyaring pagpatay sa mga magulang ko, at maging sa iba pang mga taong naroon sa mansion no'ng gabing iyon. Hindi naging madali ang kasalukuyang imbestigasyon dahil ang ilan sa mga survivor na tulad ko ay nag-migrate na sa ibang bansa. Mayroon ding iba sa kanila ang hindi na talaga nila ma-contact at makakausap pa dahil para bang bigla na lamang silang naglaho na parang bula, hindi na rin sila makitaan ng kahit ano'ng bakas. Mabuti na lamang at nakausap din nila ang mga kasambahay noon sa mansion at kasama na roon si Inay Susan. Nagbigay silang lahat ng mga statement at sinagot din daw nila ang ilan sa mga naging katanungan sa kanila ng mga police detective. "Sigurado ka ba na gust

