Chapter 153

1093 Words

Pagkatapos bilhan ni Toby ng makakain ang maglola ay hindi rin ito nagdalawang-isip na bigyan sila ng kaunting halaga ng pera. "Maraming salamat sa tulong niyo mga apo," ramdam ko ang sincerity ng pasasalamat sa tinig ni Lola, habang mangiyak-iyak pa ito dahil sa tuwa. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan siya at kung titignan sa itsura ni Lola ay para bang nasa edad 60 years old na ito. "Walang anuman, Lola. Sana kahit paano ay makatulong ang perang iyan sa inyo," mahinahong tugon ni Toby kay Lola. "Ahm...pwede ho ba naming malaman ang pangalan niyo?" sabat kong tanong sa usapan nila. "Ako si Milagros at ito naman ang apo kong si Rico," kaagad namang sagot sa akin ni Lola bilang pagpapakilala nilang maglola sa aming dalawa ni Toby. "Kokoy nalang po for short," dagdag naman ng apo ni Lola,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD