Pasado alas-siyete na ngayon ng gabi at kasalukuyan na ring nakatuon sa akin ang atensyon ng mga taong narito ngayon sa loob ng apat na sulok nitong conference room. "Ngayong tayong lahat ay nakumpleto na, maaari na ba naming malaman kung bakit mo kami nais makausap, Miss Ravyn?" panimulang tanong sa akin ni Tito Fernan, dahilan upang marahan kong maitago ang mga nakakuyom kong palad sa aking likuran. "Bilang anak ng dating pinuno ng Black Raven's triad, I have summoned you all because I have something important to say," sa tugon kong iyon ay kapwa na nagpalitan ng tingin ang bawat miyembro ng aming organisasyon. "Tsk! And what is it this time hu, Ravyn?" pagtataray na tanong sa akin ni Mindy, bago ito tuluyang mapairap sa kawalan. Samantalang si Harvey naman ay nakahalukipkip lamang

