Chapter 79

1024 Words

Naalimpungatan ako na para bang binibiyak ang ulo ko sa sakit, halos mapasigaw na ako habang idinadaing ko ang sakit. Kahit ano'ng gawin kong masahe ay hindi ko man lang maibsan ang matinding kirot na unti-unti nang kumakalat sa kabuuan ng ulo ko. Halos pigil na ang paghinga ko dahil sa pagtitiis na ginagawa ko ngayon habang sinusubukan kong labanan ang sakit. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na rin ang bahagyang paggaan ng pakiramdam ko no'ng unti-unti nang humupa ang kirot at sakit nitong ulo ko. Gano'n na lamang ang naging pagkunot ng noo ko no'ng maramdaman kong tuluyan nang nawala ang pagkirot nito, nakapagtataka lang dahil para bang walang ano man ang nangyari at maayos na ulit ang pakiramdam ko. "Ravyn, Iha? Gising ka na ba?" narinig kong pagtawag sa akin ni Auntie Sylvia mula r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD