"Flash news: dalawang bata nanaman ang naitalang nawawala simula pa noong martes. Ayon sa nakalap na cctv sa lugar nang pinangyarihan ay nakita ang pagtigil ng isang puting van malapit sa mga bata, mabilis na bumaba roon ang ilang mga kalalakihang nakasuot ng bonnet mask at sapilitang itinangay ang dalawang bata bago sila tuluyang isinakay sa loob ng puting van. Pinaniniwalaang isang sindikato ang may kagagawan. Panawagan ng mga magulang, tulungan silang mahanap at ma-rescue ang kanilang mga anak sa kamay ng mga hinihinalang sindikato." Hindi na naalis pa ang paningin ko sa screen nitong T.V dahil sa napanuod kong balita tungkol sa mga na-kidnap na bata. Alas nuebe na ngayon ng gabi at halos magsasampung minuto na mula no'ng matapos kaming kumain ng hapunan. Hanggang ngayon ay nandoon pa

