"May gagawin ka ba bukas? Gusto sana kitang imbitahan dito sa bahay, para na rin makilala kana ni Mama," tanong sa akin ni Jeera, mula sa kabilang linya. Hindi ko nagawa ang sumagot kaagad sa kanya dahil inisip ko pa kung pwede ba akong umalis bukas, lalo na't may trabaho ako sa coffee shop. "Kai, please...sana mapagbigyan mo si Mama. Hindi kasi 'yun titigill sa pangungulit sa akin e, hangga't hindi ka niya nakikita," pakiusap na sabi nito sa akin. "Ahh, may trabaho kasi ako bukas," sagot ko sa kanya, na siyang naging dahilan naman para marinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Gano'n ba, sayang naman." Bigla nalang nabakasan ng lungkot at panghihinayang ang boses niya, kaya naman bahagya ko na lamang nakagat ang ibabang bahagi ng labi ko. Ilang segundo pa ay naisip kong baka

