Mabilis kong sinagot ang tawag sa cellphone ko no'ng makita kong si Auntie Sylvia ang tumatawag sa akin ngayon. "Hello, Auntie." "Nasaan kana iha? Malapit kana ba rito?" "Ahmm, opo, malapit na po ako riyan." Nagpalinga-linga pa ako sa paligid bago tuluyang mapako ang tingin sa daang tinatahak ko ngayon. Sigurado akong ito ang daan papunta sa kinaroroonan ng cafe ni Auntie Sylvia dahil nakikita ko sa paligid ang mga natatandaan kong dinaanan namin dati pauwi. Ang mga billboards at ang mga store sa paligid ay familiar sa akin, kaya naman mas lalo ko pang ipinagpapatuloy ang paglalakad ngayon. "O sige, hihintayin nalang kita rito," sagot naman sa akin ni Auntie Sylvia mula sa kabilang linya. Kaagad ko naman itong sinagot ng, "Sige po." Pagkatapos no'n ay nag-end na rin ang call, kaya nam

