Madalang lamang kung kumurap ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang diretsong daan na siyang kasalukuyan nang binabagtas nitong kotse ko. Ilang oras na rin ang naigugugol ko sa pagmamaneho kung kaya't hindi na ako magtataka kung malapit ko nang marating ang lugar na siyang hindi ko inakalang pupuntahan ko. Sa ilang araw kong pag-iisip tungkol sa bagay na ito ay tuluyan na rin akong nakapagdesisyon sa kung ano ang nararapat kong gawin. Kinailangan kong isantabi ang pride na mayroon ako at ipagkaloob sa matandang iyon ang tiwala ko. Sana lang ay hindi nito sayangin ang effort at tiwalang ibibigay ko sa kaniya dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad. Pagkaraan ng ilang minuto ay tuluyan na ring huminto ang kotse ko sa harapan ng isang gate. Hindi na rin naman ako naghintay pa nang mata

