Mabilis lamang na lumipas ang araw at ngayon ay magdadalawang-araw na mula no'ng bisitahin ako rito ni Toby sa mansion. Sa mga araw na iyon ay sinubukan kong hindi isipin ang pakiusap nito tungkol sa pagdalaw ko sa auntie niya, lalo na at sinusubukan ko na rin silang iwasan at layuan. Ngunit kahit na ano pa ang gawing pagmamatigas ng isipan ko ay hindi pa rin nito masapawan ang totoong kagustuhan ng puso at damdamin ko. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kawalan, habang kasalukuyan kong pinagmamasdan ang sarili kong reflection sa harap ng salamin nitong vanity table. Katatapos ko lang kasi sa pag-aayos at paglalagay ng kaunting makeup, nakabihis na rin ako ngayon, kaya naman puwedeng-puwede na akong umalis. Hindi ko matiis na hindi pagbigyan si Toby sa pakiusap nito sa akin, dahil kahi

