"Sigurado ba kayong okay lang kayo rito, Miss Ravyn?" tanong sa akin ni Zen, bago nito tuluyang iabot sa akin ang susi ng kwartong tutuluyan ko ngayong gabi. "Oo naman, magpahinga na rin kayo sa mga kwarto niyo," kaagad ko namang sagot sa kanila. Wala na rin naman silang nagawa pa kundi ang magpaalam sa akin at magpunta sa mga kwartong na-book namin. Magkakatabi sa isang kwarto sina Zen, Jonas, at Fredrin. Samantalang si Jana at Detta naman ang magkasama sa isa pang kwarto. "Halika na?" anyaya ko naman sa kasama kong babae, mas pinili kong ako ang kasama nito imbes na sina Jana at Detta dahil gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para malaman kung ano ba talaga ang mga nangyari sa kaniya. Mabuti na lamang at hindi na ito nagdalawang-isip pang sumama sa akin, mukhang nakuha ko na rin

