Napahalukipkip na lamang ako sa magkabila kong braso, no'ng mapansin ko na nakatulala lamang sa akin itong si Harvey. Nandito na kami ngayon sa living area, kaya naman magkaharapan lang kami ngayong nakaupo rito sa mga sofa. "Harvey? Are you okay?" no'ng marinig nito ang boses ko ay kaagad na rin itong tumango-tango sa akin. "Yeah, I'm just glad that your memories are finally back!" pagkatapos nitong sabihin iyon ay gumuhit na rin ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. "T-totoo po ba ang narinig kong iyon, Miss Ravyn? Nagbalik na ho ang mga ala-ala niyo?" sunod-sunod naman na tanong ni Inay Susan, no'ng sandaling hindi nito sinasadyang marinig ang mga sinabi sa akin ni Harvey. Hindi na ako nakasagot pa at tanging ang pagtango na lamang nang marahan ang nagawa ko. Pagkatapos niyan

