- YUJIN - Isang oras na yata ang nakalilipas pero hindi ko pa rin maubos-ubos ang mani na ito na binili ko dito sa 8/12. Naisipan ko lang magpahangin sa labas galing sa Artifice Studio at dito ako dinala ng mga paa ko. Nakapag-foodtrip na ako kanina ng siopao at hot coffee. Heto nga at ginawa kong dessert itong mani na ang hirap ubusin. Maganda lang ang pagmasdan ang paligid sa labas. Pagabi na. Sinilip ko ang orasan na nasa screen ng phone ko. Mag-a-alas sais na kaya kulay kahel ng ang kalangitan. Nakasindi na rin ang ilaw sa bawat establisyemento. Lahat ng dumadaan na sasakyan, mapa-kotse, jeep, trycle o ang mga naglalakihang truck ay nakasindi na rin ang ilaw, likod at harap ng sasakyan nila. Buhos na buhos ang atensiyon ko sa kapaligiran sa labas nang may biglang bumulagang mukha s

