TEN ❤️

1384 Words
-LUCKY MEGAN - Nandito na kami sa harap ng bahay ni Patricia. Ito na ang araw na pinakahihintay niya ─ ang pagsikat daw niya. Ready to go na sana kami kaya lang kailangan muna namin maghintay dahil may inaasahan pa siyang darating na magbibigay ng moral support sa kaniya. "At sino naman iyon? Mga relative's mo?" tanong ko sa kaniya na panay ang tingin sa wristwatch niya. Bukod kasi kay Tata Lino na driver ni Patricia, sa amin ni Kiray at sa dalawang assistant na hinire niya para mag-ayos sa kaniya ay wala na akong inaasahan pa na pupunta. Hindi ko naman inaasahan na darating ang magulang niya dahil busy ang mga iyon sa business nila. "Hindi." "Eh sino nga? Mga fans mo?" pabirong tanong ni Kiray. "Parang ganoon na nga." Naka-ngiting sagot ni Patricia. "Wow! Saan mo naman nakuha iyang mga fans mo? Magkano ang binayad mo sa kanila?" pang-aasar ni Kiray. "Anong binabayad ang sinasabi mo riyan? Wala akong pangbayad 'no. Pupunta lang sila para suportahan ako." "Bukod pala sa amin ni Kiray, may mga new friends ka na rin pala. Bakit hindi yata namin sila kilala?" curious kong tanong. Kami lang kasi ni Kiray ang nakakaintindi sa ugali niyang mataray at masungit. Himala na mayroon pa palang nagkainteres na kumaibigan sa kaniya. "O, hayan na pala sila!" Nakita namin ang paparating na van. Hinintay kong makababa ang mga inaasahan ni Patring na "supporters" daw. Napanganga ako nang makita ko ang mga nagsibabaan. "W-T-F," bulong ko sa sarili ko. "Capital W-T-F talaga, Meg. You see that?! Where did Patring found that gorgeous guys?!" "Sheeet! Ang gaguwapo nila, ses! Buti na lang pala at tinanggap ko itong sideline ni Mamita." "Oo nga eh. Punyemas, parang ang sarap nila sistarrrrrr!" Ang lalandi lang talaga ng mga bakla na hinire ni Pat. Nagbubulungan ba talaga sila? Eh halos dinig na yata ng lahat ang pinag-uusapan nila eh. Inispotan ko iyong dalawang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Yes. Guwapo rin ang dalawang chinito. I bet kambal sila kahit na ang isa sa kanila ay halatang nag-gi-ym dahil sa laki ng katawan habang ang isa naman ay payat. Tamad yata mag-gym kaya ganoon. Pero para sa akin, mas cute at guwapo pa rin si Yujin. Wala naman akong paki sa mga muscles nila eh. Mas attracted pa rin ako sa mga simpleng cute kagaya ni Yujin. "Buti na lang," bulong ko ulit sa sarili ko. After three days of thinking of him kung may chance pa ba na magkita kami ay nagkaroon na ng katuparan. "Anong buti na lang?" May hearing device ba itong si Kiray at bawat bulong ko yata ay naririnig niya? Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bahala na siya umintindi sa narinig niya. Basta ako tahimik lang na nakamasid sa kanila hangggang sa makalapit sila sa amin. "Hi, Pat! Late na ba kami?" tanong ng lalaki na isa sa mga kambal na may malaking katawan. "No, you just come on time." Pat flashed her widened smile na parang mapupunit sa sobrang pagkakangiti. "Hi, Kiray! Hello, Megan! It's nice to see you, girls." Niyakap kami ni Vanessa at nakipag-beso-beso na para bang matagal na kaming magkakilala. Nag-hi rin sa amin ang ibang kasama ni Vanessa. Pinakilala nila sa amin ang dalawa nilang kasama na ngayon lang namin nakita ni Kiray. Mm at Mj ang pangalan ng kambal. "Where's Geo?" Heto na naman ang malanding si Kiray. "He's busy practicing for the school play. Siya kasi leading man eh." Si Samson ang sumagot. "Really? Magaling pala siya umarte?" I just said. Kunyari interesado sa pinag-uusapan pero ang totoo, pinapakiramdam ko lang si Yujin. Hindi ako tumitingin sa kaniya pero medyo na-vi-view ko siya sa sulok ng mata ko. In the end, napilitan din akong tumingin sa direksyon niya. Tahimik lang siya habang may dalawang earphone na nakasabit sa tainga niya. "Sort of. Puwede ng pagtyagaan," Vanessa chuckled. "Ay! Bakit ngayon pa? Ngayon ko na nga lang siya makikita eh." Tumingin ako kay Kiray at nakita ko ang mahaba niyang nguso na puwede ng tapyasan. Ilang minuto pa ay nag-aya na si Patricia na sumakay sa van. "Yujin, sa unahan tayo umupo ah. Tabi tayo." Parang nanlaki ang tainga ko sa narinig. Medyo lumapit ako sa kanila para marinig ko pag-uusap nila. "Wag na. Sa likod na lang ako. Okay lang naman ako eh." "Hindi ka magiging kompartable roon kaya sa akin ka na tumabi. Please." "Alright." Ugh. Ano ba mahika ang mayroon kay Patricia at napapayag niya ang taong iyon na umupo katabi niya? ***** I'm not comfortable looking at them. For the first time ay parang gusto kong awayin si Patricia. Nakakainis kasi eh! Bakit sila nag-uusap ni Yujin at parang seryoso pa sila? Nagkakamabutihan na kaya sila? Pero parang ang bilis naman yata kung sila na nga? Kainis! Bakit ang bilis naman? Parang three days ago pa lang naman nang huli ko silang makita tapos sila na agad? Aba! Hindi puwede iyon! Masyado silang apurado ah. Sa van kami ni Patricia nakasakay. Pinaiwan na lang muna ni Pat ang sasakyan na dala nila Yujin since kasya naman ang 14 pirasong tao sa loob ng van. Sa unahan naka-puwesto sila Patricia at Yujin katabi si Tata Lino. Kami naman ang nasa second row kasama si Vanessa at ang dalawang malanding baklita na make-up artist ni Patricia. At super landi lang ng mga bakla dahil panay ang pakikipag-usap sa mga bagets na nakaupo naman sa Last row. Sumandal ako sa headboard at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko sana tumingin sa direksiyon nila Yujin at Patricia dahil nayayamot lang talaga ako. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi sila silipin dahil baka kung ano ang ginagawa ng dalawang iyon. Wala akong pakialam kung makita man nila ako na nagkakandahaba ang nguso dahil sa inis. As in naiinis ako na kulang na lang ay ihagis ko sa gitna nila si Kiray na panay na rin ang pakikipag-kuwentuhan sa mga bakla at sa mga "supporters" ni Patricia. Nag-focus na lang ako sa pagtingin sa labas. I keep on looking at the big billboards in Metro Manila. Puro mga mukha ng tao ang makikita mo sa billboard. Mga sikat na artista at kung sino-sinong mga modelo na hindi ko naman kilala. May mga classy ang dating, mayroon naman rebel look. At ito pa ang nakakagulat! Parang hihimatayin ako sa nakita. Wala na sana akong balak alalahanin pa iyon pero bakit nasa billboard siya?! Siya lang naman iyong nakita namin nila Kiray at Patricia sa nakakatakot na audition kuno na iyon. Isa siyang lalaking biniyayaan ng malaking hinaharap. As in bakat na bakat iyong ano. Paano ba naman kasi, brief pala ang minomodel niya kaya naman nakatiwangwang talaga iyong malaki. Hindi ako makapaniwala na modelo ito ng brief at may billboard pa siya huh. Nagtataka lang ako kung bakit nahuli namin sila ng mga kasama niya na may ginagawang anumalya sa loob ng office daw nila? Gayong modelo naman pala ito ng kilalang brand sa bansa? Ipinilig ko ang aking ulo at pumikit. Ayokong matukso. Virgin pa ako para sa mga bagay na iyon. Huminga ako ng malalim at dumilat ulit. Tumingin ako sa unahan. Nag-uusap pa rin silang dalawa. Bad vibes talaga kapag nakikita ko silang dalawa kaya naman binalik ko na lang ang tingin sa labas. Pero laking gulat ko sa aking nabungaran nang tumambad sa akin ang imahe sa isang billboard. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Paano nangyari yon?! Na ang picture namin ni Yujin ang nakapaskil doon? Infairness. Ang ganda-ganda ko sa malaking billboard na iyan. Parang pang Ms. Universe lang ang kagandahan. At si Yujin? Isang cute na nilalang na patay na patay sa aking kaseksihan. Pero sandali lang. Alam kong may mali riyan eh. Tinanggal ko ang suot kong eyeglasses at kinusot-kusot ang mata ko. Baka kasi namamalikmata lang ako. At sa muling pagsuot ko ng salamin at sa pagmulat ko, hindi na kami ni Yujin ang nasa billboard. Si Toni Gonzaga at Piolo Pascual na ang nasa larawan. Minamaligno na yata ang mata ko. Palibhasa kasi malabo ang mata ko kaya kung ano-ano na ang lumilitaw sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD