CHAPTER 45 FIERCE'S POV Nakatingin ako kay Cloak habang panay ang inom niya ng juice. Nandito kami sa loob ng 'Craige' at sunod-sunod ang ginagawa niyang pag-inom ng juice na binigay ni Yale. Para siyang nakipag marathon ng malayo sa itsura niya ngayon. Inabutan ko pa siya ng juice at tinungga niya ulit yon. Inabutan ko siya ulit at ganon din ang ginawa niya. Hindi parin siya maka move-on sa balita. Kulang na nga lang turukan siya ng pampatulog ni Tita Sage para kumalma siya. Tili siya ng tili kanina. Parang babae lang. "Okay ka na?" tanong ko. "Mmm. Ha? Oo!" sagot ni Cloak. Tinawanan ko na lang siya. Lahat ng dumadaan nginingitian niya. Kaya nagugulat ang mga agents sa kaniya dahil hindi naman siya palangiti. Lalo akong napatawa ng biglang dumaan si Craige at kinamaya

