Chapter 6

1507 Words
CHAPTER 6 FIERCE'S POV   Napapailing ako habang sinusuot ko ang damit na susuotin ko sa cocktail party. Itinaas ko lang ang kulot kong buhok at nag apply ng light make-up.   Binitawan ko muna ang gown ko dahil hindi ko ma-zipper iyon. Inabot ko na lan muna ang sapatos ko at humawak ako sa frame ng full length mirror. Napangiwi ako ng mahirapan akong isuot ang red stilleto na sinusuot ko ngayon.   Napatili ako ng makabitaw ako sa pagkakahawak ko. Napapikit ako at inintay ko ang impact ng pagbagsak ko, pero wala akong naramdaman.   "Are we gonna stay like this? Because I'm quite sure they're waiting for us."   Napamulat ako bigla. Cloak.   Dali-dali akong tumayo habang saklot-saklot ang suot ko na gown na malapit ng bumagsak. Tinaasan niya lang ako ng kilay ng makita niya ang reaksyon ko. Pilit na iniignora ang pagkailang na tinignan ko siya. "Anong ginagawa mo dito?"   "Saving a damsel in distress."   Sinimangutan ko siya at tuluyan ng isinuot ang isa ko pa na sapatos. Pagkatapos ay hinila ko pataas ang zipper sa likod ng damit ko habang nakaharap sa kaniya. Ang kaso ilang minuto na ako nakikipagtitigan kay Cloak habang itinataas ko ang zipper pero hindi ko parin naitataas.   Bumuntong hininga siya at hinawakan ako sa balikat. Bago pa ako makaangal itinalikod na niya ako. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya na dumikit sa likod ko. Mukha namang iniiwasan niya na mahawakan ako pero nararamdaman ko parin ang init ng kamay niya.   Nakahinga lang ako ng maluwag ng binitawan niya na ako.   "There. You're good to go." sabi ni Cloak.   "Whatever."   "..........."   "What?"   "........."   “CLOAK JASE—"   "You look beautiful." Pagpuputol sa akin ni Cloak na ikinamula ng mukha ko.   Tumalikod na ako at kinuha ko ang purse ko. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas. I can hear him beside me. Pinabayaan ko na lang siya.   I'm attracted to Cloak, but I still love Harvey. But despite thgat there's something between Cloak and I that I cannot fathom. Mga bagay na gumugulo sa akin. Kakaiba ang mga pakiramdam na ipinaparamdam sa akin ni Cloak. And it's scaring me.   Natatakot ako na baka dumating ang panahon na hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Na bigla ko na lang pasukin ang relasyon na ‘to na walang kasiguraduhan.   He want me to warm his bed and I’m afraid to want him more than that.   "Let's go?" tanong ni Cloak. Tumango lang ako.   Sumakay na kami ng elevator. Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil parang may kuryente na tumutulay mula sa kaniya papunta sakin, pero hinila lang niya ako palapit sa kaniya. "Cloak, let go of me”   ".........."   Si Cloak ang patunay na ang silence hindi 'yes' lagi ang ibig sabihin.   Nang tumigil na sa basement ang elevator ay tumuloy na kami sa kotse ni Cloak. Nang makapasok na kami ay pinaandar niya na ang sasakyan. Tumingin siya sakin ng niyakap ko ang sarili ko. Tahimik na hininaan niya ang aircon   "You need to be careful when we arrive at that party Sigurado ako na ang isa doon ay alam na hindi ikaw si Jarrice."   Tumango ako sa sinabi ni Cloak.   I need to focus. Hindi ako maaring magkamali lalo na at ito ang pinakauna ko na mission. Katulad nga ng sabi ni Cloak sa durasyon ng mission na ‘to, hindi ako pwedeng magkamali kahit isang beses kung hindi talo na ako.   Sinalubong kami ng mga tao nang bumaba kami sa lugar kung saan gaganapin ang party. Ngumiti lang ako sa kanila. Panaka-naka ay parang gusto ko ng manipa kapag may nangyayakap sakin na lalaki na kakaiba ang yakap. Nang pumasok kami sa loob ay tumuloy kami kaagad sa isang table na naka reserve na para talaga samin. May nakangiting waiter na lumapit at dinalan kami ng inumin at pagkain.   "It feels weird." Bulong ko.   "........"   "Na kung tratuhin nila tayo parang royalty."   ".........."   "You know. I really hate it when you don't talk." abi ko sa kaniya.   "Bakit na i-inlove ka sa boses ko?"   "No."   I rolled my eyes at him at uminom. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Wala namang kakaiba kaya baka wala dito ang threat. Nang magsimula na ang party ay kinailangan ko ng humiwalay kay Cloak para kausapin ang iba. Pero may nakakabit samin na listening device at mic.   "Grabe akala ko talaga kung ano na ang nangyari sayo."   Si Jana ang nagsasalita. Supposedly kaibigan siya ni Jarrice. May mga kausap pa kami, ang boyfriend niyang si Mike na laging nakangiti, si Yeng at ang boyfriend niyang si Kit na hindi man lang ako tinitingnan aat kung dumadako man ang tingin niya sa akin ay parang nagbababala iyon.. Sa tingin siya na ang hinahanap namin.   "It’s kit." bulong ko sa mic.   "You sure?" tanong ni Cloak.   "Yes I think so. May nararamdaman akong kakaiba sa kaniya." sa gilid ng mga mata ko nakita ko si Cloak na nasa di kalayuan na tumango. Hindi na lang sumagot eh ‘no?   "Ano naman ang mangyayari sa'kin? I'm fine, really ." nginitian ko sila.   Nakaramdaman na naman ako na tinitignan ako ni Kit kaya tumingin ako sa kaniya at katulad kanina parang binabalaan niya akong wag mag sabi ng kung ano man.   "Wag kang aalis ng kasama siya." Narinig kong sabi ni Cloak sa listening device. Bahagya akong yumuko para makasagot ako.   "Why would I even do that?" tanong ko. Napasimangot ako ng hindi na siya sumagot.   "Talagang kayo na ng hot papa na iyon?" tanong ni Yeng.   "Yes. We're pretty serious. How about you two—“ napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumalim ang pagkakatingin sakin ni Kit. Parang mas naging intense ang pagkakatingin niya ngayon sa'kin.   He's getting creepy.   "Kit and I? We're serious too." Sagot ni Yeng sa naputol kong tanong.   "Good."   Nakahinga lang ako ng maluwag ng kailangan ko ng kausapin ang ibang guest. Kahit na hindi ko naiintindihan ang ibang pinag-uusapan ay hindi naman ako napapag-iwanan. Sa tingin ko naman walang nakahalata na ibang tao ako.   Pa’no naman nila malalaman eh kung hindi ko lang alam na wala akong kapatid maghihinala pa akong may kakambal ako.   Kasalukuyan akong papunta sa mini bar para kumuha ng inumin ng biglang may humila sakin papasok sa isang pinto na mukhang walang pumapasok. Parang staff room. Tinignan ko ang humila sakin. Kit.   "What do you want?” tanong ko sa kaniya.   "Ako dapat ang magsabi niyan. Anong ginagawa mo dito at anong kailangan mo?" tanong niya.   "I’m a guest here. I don't need to explain myself."   "Wala ka dapat dito!" mukhang siya na talaga ang threat—   "Wag na wag kang lalapit kay Yeng!" napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.   "What—"-   "Hindi ka pa ba makuntento don sa boyfriend mo? Hindi pwedeng malaman ni Yeng ang nangyari satin. Kung hindi isisiwalat ko sa lahat na ang santa santita na katulad mo ay maraming itinatago."   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.   "Naiintindihan mo? Wala ka dapat dito!"   "I don't understand."   "Stop pretending you don’t. Inakit mo ako noon kaya may nangyari sa atin. Anong klase kang kaibigan para patulan ang boyfriend ng kaibigan mo?" nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.   "You loved it. Iyong ginawa natin." nang-uuyam na sabi ko.   "No! I love Yeng, damn it! Kapag sinira mo ang relasyon namin—“   Hindi ko na siya pinakinggan. Naging busy na ako sa kakapakinig sa listening device dahil naririnig ko ang boses ni Cloak na nagmumura. Parang may hinahabol siya.   "Wrong person, it’s Mike!" sabi ni Cloak.   Tinalikuran ko si Kit at nagmamadaling umalis sa kinaroroonan namin. Pagkalabas ko ay inilibot ko ang paningin ko. Nang hindi ko makita si Cloak ay lumabas ako ngunit hindi ko din siya natagpuan roon.   "Get in the car. May duplicate sa purse mo na nilagay ko kanina." narinig ko na sabi ni Cloak sa kabila ng listening device.   Tumakbo ako papunta ng kotse nang marinig ko ang sinabi niya . Pagkadating ko doon ay pinatakbo ko kaagad ang kotse paikot sa lugar kung saan ginanap ang okasyon. Kailangan kong makita si Cloak.   Napapitlag ako ng makarinig ako ng putok ng baril. "Cloak?"   Kinabahan ako ng hindi siya sumasagot. Pinabilis ko pa ang takbo ng sasakyan. Nang makarating ako sa likod inihinto ko ang sasakyan. Nothing will happen to Cloak. Magaling siya. Walang makakatalo sa kaniya. Hindi siya mapapahamak. Hindi siya pwedeng mapahamak. Not because of me.   "CLOAK JASE—"   Napatigil ako sa gagawin kong pagsigaw ng biglang may kumatok sa bintana. i Cloak. Binuksan ko ang pinto at sumakay siya.   "Nakatakas?" tanong ko.   "Yes."   Napabuntong hininga ako. "Sorry."   "It's okay, but..."   "What?"   "Hindi mo pa ba na re-realize Fierce?"   "Huh?"   "I just won Fierce. You failed." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. That fast? Damn it!   "No Cloak—"   "Don't worry. Pwede naman akong maningil sa ibang araw." umangat ang sulok ng labi niya. "You'll be mine, angel."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD