CHAPTER 34 FIERCE'S POV Nagulat ako ng biglang humila sakin habang tumatakbo ako. Pinasok niya ako sa loob ng sasakyan at pagkatapos ay nilingon ako. "Are you okay?" Si Tita Sage. Nag-aalalang nakatingin siya sakin na parang hindi niya alam kung paano niya papayapain ang nararamdaman ko. Pero sa tingin ko wala ng magpapagaang ng loob ko ngayon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung may purpose pa ba. Kung kailangan ko pa bang subukan na bumangon ulit. Kay Harvey noon. Pinilit ko ang sarili ko. Para kay Harvey kasi kailangan kong malaman ang nangyari. Pero ngayon. Hindi ko alam kung ano pa ang hihila sakin para bumangon. Ano pa bang dahilan? There's nothing left for me here— Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Tita Sage. Nag focus

