THE PLAYER 14

1322 Words
MARIA DIANE COLE “GUSTO mo ba sumama sa akin?” malumanay na tanong ko kay Gabrielle. Babalik na kasi ako sa Manila at may importanteng trabaho pa akong tatapusin. “D-dito lang po muna ako,” aniya at umiwas ito ng tingin. “Natatakot ka ba? O tinatakot ka ni Bry?” “P-po? G-gusto ko na po dito.” Napabuntonghininga naman ako. “Gab, look at me. Sabihin mo sa akin ang totoo. Huwag kang matakot, okay? I can protect you. Police ako at sisiguraduhin ko na ligtas ka makauwi at hindi ka na malalapitan ni Coloner.” Malungkot naman nakatingin ang dalagita sa akin. “I-I think….I-I f-fall in love with h-him, ate. Hindi k-ko po kaya na..na iwan siya.” “What? Gabrielle, wake up. You need to choose your family. Alam ko hinahanap ka na nila. Huwag ka ma-in love sa lalaking sumira sa buhay mo.” Tumayo naman ito. “I'm sorry po. P-pakiusap po. Sana huwag niyo ipagpaalam sa family ko na nandito ako kay Bry,” agad naman ito umalis. Sinundan ko lang ito ng tingin. Huminga naman ako ng malalim. Kontrolado na ni Coloner ang isip ng bata. “D?” Lumingon naman ako. Si Coloner. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa aking tabi. Kumuha ito ng isang stick na sigarilyo at nagsindi. “Anong pinakain mo kay Gabrielle?” tanong ko naman. “Nothing. And if ever she want to come with you, papayagan ko naman na umalis siya. And last night, I'll talk with her. Sabi ko, puwede na siya bumalik sa family niya.” Tiningnan ko naman ang binata. Kung may hawak lang ako ng baril, pinasabog ko na ang ulo niya. “Bastard! After what you did to her?! You raped her! You already ruined her innocence! Motherfucker!” gigil naman na turan ko rito. Panay lang ang buga niya ng usok. “Pinagsisihan ko na iyon. And I'm ready to be punish by her family. Haharapin ko ang lahat na ito.” Mahina naman ako napatawa. “Yeah. Na inlove na yata ang batang iyon sa’yo. If sakali nga na malaman ng family niya sa ginawa mo, sa palagay mo, pababayaan ka ni Gabrielle? Hinayaan mo na ma inlove ang bata sa'yo, then ibabalik mo siya na parang walang nangyari. And worst, si Gabrielle na ngayon naghahabol sa'yo. At kung may gagawin man sakali ang magkapatid na Geo at Gold, si Gabrielle ang maging panangga mo.” Hindi naman ito nakaimik. Tumayo naman ako at tiningnan si Bry. “Salamat sa ilang araw na pag stay ko dito. I like this place. Nag-eenjoy rin ang mga bata dito.” Pilit naman ito ngumiti sa akin. “Thanks. By the way, I don't trust you, D.” Tumawa naman ako. “Hindi kita pag-aksayahan ng oras, Bry. Marami akong alam sa'yo, sa inyo pala, kayong magkaibigan. But it's not worth it though. Babanggain ko kayo, parang binangga ko rin ang mga protector niyo. Which is, they are my close friends too.” Napatango naman ito. “Thanks. Take care and see you next time?” Aniya. “Next time? What if you died? So, no more next time.” sabi ko naman at umalis na. Z, Ziena and Jenny, these girls are the protectors of these drug lords. Kung bakit nanatili pa rin na malaya ang mga ito. Kahit ang mga sagabal sa negosyo ng mga ito ay mismo nga kaibigan kong babae ang pumapatay. “Ate D, aalis na po kayo?” malungkot naman na tanong ng isang batang babae. Ngumiti naman ako at hinaplos ang inosenteng mukha niya. “Yes, baby girl. May trabaho kase ako. Don't worry, dadalawin ko kayo rito. “Ma miss ka po namin. Sana po makabalik kayo agad.” “Of course. Pagbalik ko dito, marami akong dala na pasalubong sa Inyo.” “Talaga po?! Salamat po ate,” at tumakbo na ito palabas. Palabas na ako ng bahay at napansin ko naman ang mga tauhan ni Bry na nagkagulo. Lumapit naman si Tres sa akin. “What happened?” Nagtataka na tanong ko sa binata. “Oh, may dumating na enemies! And they're armado people.” Napapikit naman ako saglit. “Nasa panganib na tayo tapos ganyan ka pa magsalita?! What the hell, Tres!” Napakamot naman ito sa ulo at mahina napatawa. “Ang mga bata saan?” Tanong ko naman. “In the safe place already. By the way, come with me,” aniya at pumasok ito sa loob ng bahay. “Saan ang mga bata? Si Gabrielle?” tanong ko ulit rito. Pumasok naman kami sa basement at bumungad sa akin ang iba’t ibang klase at mataas na kalidad na mga baril. “Kasama ng mga bata si Javi at si Gab. Si Bry, sa likod at kinakausap ang ibang tauhan niya.” Nakahinga naman ako ng maluwag. Kumuha naman ng dalawang klaseng baril. Hindi na ako magugulat kung maraming mamahaling baril dito sa bahay ni Bry. Isa kase ito sa mga negosyo niya. “Sino ang mga armado na sumugod dito? Kalaban ba ni Bry?” tanong ko naman kay Tres habang inaayos ko ang baril. “I don't know. Maybe kay Salvacion or Bry. Or sa akin. And maybe sa'yo.” “Sa inyo! Kayo naman palagi may kaaway!” Tumawa naman ito. Napailing na lang ako at lumabas na sa basement. “D?” Lumingon naman ako kay Tres at nakakunot ang aking noo. “What?” “You're so astig talaga,” aniya. “Gago!” inis na iniwan ko ito. Nakasalubong ko naman si Bry. “How many?” tanong ko naman rito. “Around twenties.” Tumango na lang ako. Nagsimula na ang putukan sa labas. “Okay. Sa likod ako ng bahay dadaan.” “Mag-ingat ka. They're professional killers.” “I'm not?” balik na sabi ko naman kay Bry. Nakangisi naman si Bry sa akin. “You're a Tag Killer. And a dangerous one.” Mabilis naman ang galaw ko at lumabas na. Dumiretso na ako sa likod ng bahay. Hindi lang bente ang mga kalaban, parang mas higit pa ito. At napapalibutan na ang bahay. I don't want to waste my bullet. Bawat bala, ay sinisigurado ko na sa ulo lahat ang tama. Hindi ko alam ang sitwasyon nila Bry at Tres. Parang kanina pa nagpapalitan ng putok. Paubos na rin ang bala ko. “Dammit!” Bakit parang dumadami yata sila? Kailangan ko bumalik sa loob ng bahay. Pero ilang saglit lang, tumigil na ang putukan. Nagtatakang tumakbo naman ako papasok. At halos hindi ako makahinga sa aking nadatnan. “Drop your gun, or we shoot them!” Napanganga naman ako. Ang mga bata, nag-iiyakan ang mga ito. Samantala, sina Tres, Bry at Javier, nakatali ang mga ito at tinututukan ng baril. Itinaas ko naman ang kamay ko at binitawan ang aking baril. “Huwag niyo idamay ang mga bata,” diin na sabi ko. “Sabi ng aming boss, walang matitira. Lahat kayo ay papatayin namin!” “Can I talk to your boss?” mahinahon naman na turan ko rito. Napapikit ako saglit dahil binugbog na nila ang tatlong binata. Lalo nag-iyakan ang mga bata. Si Gabrielle naman, hinahawakan ng dalawang lalaki. “Tell your boss. My name is M.D Cole! Call him, motherfucker!” Sigaw ko naman. “I want to negotiate with him!” Napatigil naman ito. Halos hindi ako makahinga. Nanghihina ako kapag may mga inosenteng bata ang madadamay. “Call him!” Sigaw ko ulit. Maya-maya lang, inilabas ng isang lalaki ang cellphone. Parang ito yata ang pinaka leader nila. Parang nagbubulong lang ito habang may kausap sa kabilang linya. Lumapit ang lalaki sa akin at inabot ang cellphone sa akin. “D, anak?” boses ng matandang lalaki sa kabilang linya. Nanliit naman ang mga mata ko. “How dare you!” Gigil saad ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD