THIRD PERSON Pinanood muna ni Lucius ang asawa bago ito lamunin ng portal kasabay noon ang pagsara nito. "Your highness, tayo na po." Nakayukong singit ni Lucas. Tumango si Lucius bago marahang hinarap ang kanyang mga nasasakupan. Pinasadahan niya ng tingin ang lahat. Nakatayo silang lahat ng matuwid, bakas man ang takot sa iilan ngunit hind nila iyon pinapairal. Sapagkat iyon ay sinumapaan nilang tungkulin para sa emperyo. Humugot ng hininga si Lucius. "Alam kong hindi tiyak ang tagumpay nating lahat sa digmaang ito. Ngunit nais kung gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya para sa tahimik na buhay, para sa ating mga anak at magiging anak ng mga ating mga anak. Gawin natin ito, para kinabukasan ng susunod na henerasyon ng ating emperyo. Isipin natin ang ating pamilya; Mama, Papa,

