MAXIME Marahan kong sinusuklay ang mahaba kong buhok sa harapan ng salamin. I'm now wearing my night gown, habang si Lucius naman ay naka-upo sa sa gilid ng kama at nagmamasid lang sakin. "Bakit naka-upo ka parin d'yan, 'di ka pa ba matutulog maaga kayo bukas, diba?" Nagtatakang tanong ko habang nakatitig sa kanya sa salamin. Napairap ako. Ba't ang hot niya sa gold silk robe niya. "Maniningil pa ako, mahal kong asawa." Napasinghap ako at nabitawan ang suklay. Nagulat ako ng bigla na lamang siyang lumitaw sa gilid ko. Itinaas niya ang baba ko. Napatitig ako sa mga mata niyang nababakasan ko ng pag-aalala. "Hey are you okay?" malumanay na tanong niya. Tumango ako. Pinulot niya sa ibaba ang nahulog na suklay at inilagay niya iyon sa ibabaw ng table. Inalalayan nya ako hanggang sa kam

