LUCIUS'S POV "Your highness naging actibo na ang proteksyon maaring wala na tayo sa mapa mula sa mga oras na 'to,"mahina akong napatango sa sanabi ni Lord Robert Maari nga kasama ang isla ng dyosa "Nagkakagulo na ang taong bayan," nababahang wika ni Lord Rowan "Ano ang gagawin natin kamahalan," segunda ni Lord Dawin At tuluyan na nga silang nagkagulo. "Pakiusap mga ginoo huminahon kayo," dinig kong pakiusap ni Lucas na nakatayo sa gilid ko ngunit wala ni isa ang nakinig nakakarindi na. "SHUT UP!" sigaw ko na ikinatahimik nila. "Pwede ba kumalma kayo wala naman kayong ibang ginagawa kun'di ang dada ng dada wala naman kayong naiisip na solusyon!" Mariing singhal ko sa lahat napayuko naman sila sa ulo nila. "Ipapatawag ko na lamang kayo kung may imumungkahi ako," malamig na s

