FREYA POV "Po? Pumunta po ako dito kahapon. Si tita pa nga ang nagbabantay kay Liam at halatang puyat siya." "Puyat kaming parehas ng asawa ko. Nag half day lang ako sa office, gusto ko kasi sanang makatulog ang asawa ko para makapag pahinga din siya." Natutuwa ako sa kanila. Sa relationship nila, pinatunayan nila that forever really exists at sana ay maging ganito rin kaming dalawa ni Liam sa aming pagtanda. "Don't worry po, pwede na kayong magpahinga ni tita parehas sa inyong bahay. Kami na po ni tita ang bahalang magbantay kay Liam," sambit ko. "Ah, so andito pala ang tito mo? I thought na busy rin siya sa kanyang trabaho. But I really appreciate na parehas kayong naglalaan ng oras para sa anak ko. Malaking tulong ito sa aming mag asawa na parehas nang matanda. Eh pag akyat pa

