LIAM POV Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Ito lang ang kaya kong igalaw sa lahat ng parte ng aking katawan. Hirap akong huminga, pakiramdam ko ay lupaypay ako at hinihinika. Nasaan ba ako? Bakit ako nagkaganito? Ano ang nangyari sa akin? Hindi ko alam kung ano ang sagot sa mga tanong ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa akin subalit nang pilitin ko ang sarili ko, sumagit ng matindi ang ulo ko dahilan upang sumigaw ako ng sumigaw. Mabilis kong nakita ang mama ko subalit maging ito ay hindi sapat para mawala ang sakit ng aking ulo. Mura lang ang halos lumalabas sa bibig ko. "Anak ano ba ang nangyayari sayo? Please magsalita ka! Please, kumalma ka! Sabihin mo kung ano ang masakit sayo." Hiwakan niya ako, sinubukan akong pakalmahin ngunit wala itong nagawa. Para na ngan

