FREYA POV "Wag na! Mahirap nang magbenta ng condo unit sa panahon na ito. Isa pa, mahalaga sa akin ang lugar na ito kaya mas maigi pa na dito na lang tayo magi stay. Kung gusto mo na dalhin ang mga gamit mo dito, pipilitin na lang natin na pagkasyahin lahat dito. Kahit na ako na lang ang mag aadjust. Ganyan naman kayong mga babae hindi ba? Bring all your things here at gagawan na lang natin ito ng solusyon." Dapat pala ay wala na lang akong sinabi. Na offend pa tuloy ako, sa dami ng mga gamit ko, kulang talaga ang space dito. Sabagay, marami na akong mga damit na luma na kailangan na siguro ng bagong may ari. Nang maluto na ang pakbet, ito yung una kong sinandok at nilagay sa plato ko, nauna ko pa nga itong ilagay kesa sa kanin. Sobrang natatakam lang din ako sa mabangong amoy nito.

