Ano bro kumusta? Anong nangyari sa baba? Bungad na tanong ni xandro kay alvin at lumipat naman ang tingin nya sa akin at sumunod sa braso kung dumudugo.
Ito si anna nakisali pa sa gulo sa parking lot, inawat nya yung nag aaway.
Dapat bro ipa ban mo yung ganyan huwag mo nang papatuntungin dito sa building mo. At check mo sa cctv kung isa ba employee mo bigay suhestyon pa ni angelo.
Shit! Malalaman ni alvin na ako ang nakipag buno doon kay fernando diaz pag chineck nya pa.
Hayaan nalang natin ang security ang umaayos babe saad ko dito.
Okay sige. Come here at gagamutin ko yan. Nakaharap na kaming tatlo dito at si xandro at angelo nag uusap tungkol sa business.
Tahimik lang kami ni alvin habang ginagamot nya ang sugat ko. Kung tutuusin kaya ko naman ng gamutin ang sugat ko ng sarili lang.
Dahil bago pa kami maging ganap na maging agent pinag aralan na namin kung paanong gamutin ang sarili namin incase emergency na walang taong gagamot sa amin kaya naming gamutin ang sarili namin.
Tinatanong ni angelo si alvin tungkol sa isang investor na gustong mag invest. Pero itong si alvin hindi nasagot at busy na busy sa ginagawa nyang pag lilinis ng sugat ko.
Kaya naman tinigil na ni angelo at Xandro ang pinag uusapan nila. Tumingin naman si angelo sa akin.
Alam mo anna si alyssa rin laging may sugat sa mukha or saan mang parte ng katawan. Minsan may black eye sya sa mukha at tinanong ko kung anong nangyari hindi manlang ako pinansin.
Natawa ako bigla. Si agent Alyssa may black eye e, yung taong yun ayaw na ayaw mabangasan ang mukha nya. Galit na galit sya pag nabangasan ang mukha nya. Alagang alaga yun sa mukha nya kaya ang kinis kinis eh.
Baka may naka alitan sya....sagot ko.
Baka naman pulis sya or agent bro kasi kung ganun sya natural lang yun. Sagot naman ni xandro.
Hindi ko nga alam kung anong trabaho nya kasi pag tinatanong ko hindi ako sinasagot. Pero one time nakalimutan nya ang wallet nya nang kumain kami sa labas. May i.d sya nakalagay lang ang pangalan nya at P. A.O tapos may logo na lion. At naalala ko ng nag habulan kami sa park may dala syang posas....Dagdag pa ni angelo. Lintek na agent alyssa bakit naging pabaya sya at nakita pa ni angelo ang i.d nya. Bawat isa sa amin ay may i.d pero yung akin iniwanan ko sa isa kong wallet.
Anong i.d yun brad? Tanong naman ni alvin kay angelo na mukhang nag iisip rin.
Hindi ko alam brad. Pero alam ko nag pa-part time sya baka sa pinag pa partime-man nya... Sagot ni angelo kay alvin.
Dapat bro pinapahinto mo na ang babae mo sa pag tratrabaho singit naman ni xandro.
Kaya nga ako ito si anna papatigilin ko narin sa pag bo-bodyguard at total naman kaya ko syang buhayin at magiging anak namin.... Ngiti nyang saad kila xandro at angelo na napailing nalang.
Delikado kasi ang trabaho nya na bodyguard at prinoprotektahan ako. Natatakot ako kada hahawak sya ng baril. Kaya babe sa bahay kana lang okay house wife kana lang... Saad nya sa akin.
Alam mo brad wala tayong magagawa kung gustong mag trabaho ng taong mahal natin kasi hindi natin sila pwedeng diktahan. Paliwanag naman ni angelo kay alvin na mukhang hindi sang ayon.
No brad. Hindi mo alam ang pakiramdam pag nasa kapamahamakan ang taong mahal mo lalo na sa uri ng trabaho ni anna na laging humahawak ng baril para protektahan ako paano pa kaya kung pulis sya or isang agent Edi lalo na akong naparanoid sa pag iisip lalo sa trabaho nya...sagot naman ni alvin kay angelo.
Tama nga naman bro kasi buhay ng taong mahal mo ang nakasalalay sa ganyang trabaho. Comment namn ni xandro na nagpatango kay angelo bilang sang ayon sa sagot nito.
Napailing nalang ako sa diskusyon nila. Ngayon alam ko na gustong patigilin na ako ni alvin sa pagiging bodyguard. Pero tsaka na pag nakulong nasi emelda at doon Lang ako aalis sa pagiging bodyguard nya. Pero sa pagiging agent ko siguro hindi. Paano pa kaya pag nalaman ni alvin na isa akong secret agent.
Walang nalalaman si alvin sa akin na personal. Dahil ang alam nya ako si anna Sanchez na isang bodyguard at taga baguio. Ang ina nasa baguio at ang ama. Isa lang na anak. Yaan ang pagkakakilala ni alvin sa isang anna Sanchez pero wala naman talagang anna sanchez na nag iexist.
Malinis at tago ang personal naming katauhan or personal data kaya walang makakakilala sa amin lalo na sa uri ng trabaho namin at prinoprotektahan ni boss xander ang katauhan namin.
Natapos ang pag lilinis ni alvin sa sugat ko. Naisipan nilang tatlo na mag dinner kami sa labas. Nasa parking lot na kami ng lumapit ang security guard.
Ma'am naitawag na po namin ang nangyaring gulo kanina sa pulis at tatawagan nalang daw po kayo at hihingian ng salaysay.
Okay sige kamo. Sagot ko sa security guard at umalis narin.
Humarap naman si alvin kala angelo at xandro. Bro kita kita nalang tayo sa Rue Bourbon saad nya sa dalawa.
Sige bro... Sagot ng dalawa at sumakay na kani-kanilang kotse. Ang mahal rin ng kotse ni xandro mustang gt v8 at si angelo namn ford mustang gt 5.0 v. 8 2017 halatang may sinasabi sa buhay ang mga ito. Magkano kaya ang kinikita ng mga nito sa isang taon.
Nakarating kami sa Rue Bourbon at malapit lang naman ito. Ang sosyal talaga ng mga ito bar and restaurant pa ang pinili. Siguro madalas na sila dito at naabutan ko si angelo kinakausap ang waiter na akala mo matagal na silang mag kaibigan.
Bro nag oorder na kami xandro. Order narin kayo. Umupo na kami ni alvin. Kinuha ko na agad ang menu. American Cuisine hmm, nagutom ako bigla. Naka order na kaming lahat at nag kwenkwentuhan ang tatlo.
Nilibot ko ang mata ko at tumigil ito sa lamesang medyo malapit sa amin. At nakita ko si erica at may kasama ito hindi ko kilala, nakain at mukhang hindi yata ako napapansin. Wala akong balak na kausapin sya dahil kasama ko sila alvin at ang mga kaibigan nito.
Pero ang lintek biglang tumingin si erica sa akin at malawak ang na ngumiti. s**t! bulong ko. Tumayo at ito at mukhang may balak yatang lumapit.
Max! masayang saad nito sa akin sabay yakap.
Long time no see! saad ko dito...
Oo nga eh ngayon nalang ulit kita nakita at mukhang hindi mo patapos ang- hindi pa nya na tatapos ang sasabihin nya ng tumikhim si alvin sa tabi ko kaya napatingin ako dito.
Ahm, erica si alvin boyfriend ko pakilala ko dito. Tumingin sa akin si erica na barang hindi makapaniwala. Tumikhim naman ako.
Hi! Erica and you are...... Alvin smith Anna's boyfriend sabay lahat ng kamay nito kay erica. Napatingin ulit si erica si akin na parang alam na nya kung bakit anna ang name kung ginagamit.
I didnt know you had a boyfriend i thought- never mind sabay tawa nito. Natawa nalang rin ako dahil alam ko na kung bakit hindi nya tinuloy ang sinabi nya dahil iniisip nya na tomboy talaga ako. Hindi lang naman sya ang nag iiisip ng ganyan sa akin halos lahat sila.
Tumikhim naman si angelo kaya napatingin kami sa kanya.
Erica si angelo and xandro kaibigan ni alvin. Angelo saad nito sabay kuha ng kamay ni erica at hinalikan pa. Pinamulahan naman si erica kaya mabilis na binawi ang kamay. Tumingin naman si erica kay xandro na mukhang walang balak makipag kilala at busy lamang ito sa pag tingin sa labas ng bintana.
Ah! xandro si erica pag kuha ng atensyon nito. At nag tagumpay naman ako at tumingin narin ito. Xandro sabay lahad ng kamay nya kay erica na mukhang natulala na at hindi manlang nagalaw nakatitig lang kay xandro.
Tumingin naman ako kay xandro na ngumisi mukhang inaasahan na yata nya ang reaction ni erica. Kinuha rin naman ni erica ang kamay nito.
Erica nice too meet you xandro... mukhang alanganing sagot ni erica.
No, erica Its nice too see you again pag tatama ni xandro kay erica na mukhang nagpagulo sa isip ni erica dahil mukhang hindi naman nya kilala si xandro pero bakit nice to see you again ang sinabi ni xandro.
Tumikhim na si alvin mukhang naramdaman nya yata ang tensyon sa dalawa. Sakto namang dumating na ang pagkain namin. Erica join us yaya ni alvin kay erica.
No, thanks pero may ka date ako eh sabay turo nya sa lalakeng nakangiti kay erica.
its okay maybe next time saad naman ni alvin. Sige ma- i mean anna... sabay yakap nya sa akin. Nice to meet you guys ngiti nya sabay alis na at pumunta narin sa ka date nya.
kumain kami ng tahimik at pinapakiramdam si xandro na masama ang tingin sa lamesa nila erica. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaction ni xandro.
Tahimik lang si xandro na tao kaya wala ako masyadong alam sakanya. Sya kasi yung tipo ng tao na kikibuin ka lang pag ikaw ang unang kumausap sakanya.
Siguro kilala nya si erica matagal na at mukhang ngayon lang naman sya nakilala ni erica. Pero bakit ganun ang sinabi nya kay erica. At ayun sa nakikita ko sakanya mukha syang galit habang nakatingin sa pwesto nila erica.